Letth's POV
Napa-upo ako sa loob ng starbucks. Naisipan ko kasing bumili ng mga bagong damit kahit na kakabili ko palang noong nakaraang araw. Pakiramdam ko kasi wala na kong masusuot kinabukasan.
Hindi mawala sa isip ko ang mga tingin ni Kryshna. Nakasalubong ko siya sa loob ng mall kanina. Binati ko pa siya pero hindi niya ko pinansin. Gosh! Anong problema niya?!
"Letth." Napalingon ako sa likod ko. Umupo siya sa harapan ko at ngumiti. "Can we talk?"
"About what?"
"About the wedding." Napatigil ako sa pagsipsip sa frappe ko at tiningnan siya.
I gasped when i saw his face. Hindi ko man lang to napansin kanina! Pucha! Ang dami niyang pasa!
"Anong nangyari sayo?! The hell Chander!"
"Calm down. I'm fine."
"Fine my ass! May okay ba na ganyan ang itsura?! C'mon Chander wag ako! Alam na ba ni Kyna kung anong nangyari sayo?"
"No and please, wag mong sasabihin sa kanya. Ayokong mag-alala pa siya."
"Then tara sa hospital. Ipapagamot kita."
Hinila ko ang kamay niya pero hinila niya ko pabalik at pina-upo sa tabi niya.
"Wag ka ng mag-alala sakin. Malakas pa ko. But this time, we really need to talk." Seryoso niyang sagot.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango. Mukhang importante nga tong pag-uusapan namin.
"Sa kotse nalang tayo mag-usap. Masyadong madaming tenga dito."
Tumayo siya kaya tumayo na din ako. Hindi ako sanay na hindi masyadong ngumingiti tong si smiley pero naiintindihan ko naman siya.
Pumasok kami sa kotse niya. Agad na bumungad sakin ang mga picture ni Kyna na nakasabit sa loob. Natawa ako bigla sa nakita ko.
"Seriously? Kyna's face all over your car? Omg, iba ka din pala ma-inlove."
Hindi siya umimik. Sabi ko nga wala sa mood tong smiley na to.
"Letth."
"What?"
"You're not going to marry me anymore." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
BENEFITS [Completed]
RomanceMagkaibigan. Nainlove. Umasa. Ginamit. Natuto. Started: December 13, 2014 Ended: May 02, 2016 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.