41 - Tagaytay

1.5K 46 8
                                    

Kate's POV

We're on our way na papuntang tagaytay. Good thing at walang boys, lalo na si Ralph. Baka mabaog ng wala sa oras yun. Tss

"Gands, tingnan mo si Kryshna." As expected, tahimik lang siya sa iisang tabi at naka-earphone habang nagmamasid sa labas. Napansin ko din si Kyna na kanina pa tahimik sa gilid.

Si Letth at Jam nagkukwentuhan habang kami ni Tinay kumakain. So malamang sa malamang, si Ralph na naman dahilan kung bakit ganito si Gands at Kyna.

"Pareho sila ni Kyna. Pareho ding tanga." Hindi ba talaga nila makita yung point ko? Babaero si Ralph, paasa, playboy pati ata gago nakakabit na sa pangalan niya. At bakit kasi nila pinipilit na mahalin ang ganung klase ng tao? Alam naman nilang sasaktan lang sila. Stupid right?

Alam kong pagdating sa love dapat handa kang masaktan, pero hindi porket libre yun aabusuhin mo na! Matuto ka namang isipin yung sarili mo minsan.

"Gands naman." Inirapan ko lang si Tinay at kinuha ang phone ko. Buti nalang hindi ako kasing tanga nila. Oo, naiinlove ako, pero hindi ako yung tipo ng taong ipagsisiksikan sarili ko sa taong hindi ako gusto. Hindi ako pinanganak ng nanay ko para lang ipilit ang sarili ko sa taong hindi ako mahal at lalong hindi para magpakatanga at lokohin ng iba! Damn.

Bakit ba ko nababadtrip? Kaya nga ko nagbakasyon para makaiwas sa stress! Psh.

"Guys kapit! Eto na pinakamasayang part ng roadtrip natin! Hahaha!" Tuwang tuwang sabi ni Jam. Napatingin kami sa may harapan at napansin naming pazigzag ang daan. Whoo, nice one!

Dati, gustong gusto naming gawin to nila Gands. Kaso walang oras.

"Waaaaaaaaah!" Tili ni Jam kahit wala pa naman talaga

Dahil hindi ko iwasang hindi mag-react, naka-pagreact tuloy ako ng wala sa oras.

"Wala pa." Singit ko. Duh, excited masyado eh.

"Hehe, sorry Kate!" Nag-peace sign pa si Jam habang si Letth tinitigan lang ako.

Tinaasan ko siya ng kilay at umirap naman ang gaga. Hindi porket siya ang nagyaya siya na masusunod duh! Napansin ko pang nakatitig sakin ng masama si Tinay. Psh

"Omg ayan na!" Nakisali narin sa kaingayan si Kyna. Si Kryshna naman halatang nag-aabang.

Kumapit lang ako ng mahigpit at inenjoy ang byahe.

"Kuya ayusin mo ha? Yung tipong parang matutumba na yung van hehe." Suggestion naman ni Jam. Weird niya today psh.

"Agree kuya!" Sigaw din ni Kyna. Mga bingi ba sila at kailangan pang sumigaw? Err

Naramdaman kong nagv-vibrate yung phone ko. Napa-irap ako ng makita ang pangalan ni Justin sa screen ng phone. Anong kailangan ng alien na to? I turned off my phone. Ayoko ng kausap.

Woahhh, cool ng ganito. Pagkatapos naming makadaan dun sa zigzag na way na yun, nag-apir kami nina Gands. Achievement yun!

"May 2 hours pa guys. Kung inaantok kayo, matulog muna kayo. Malayo layo pa tayo." It's 4:05 in the morning. So mga 6 andun na kami? Sakto lang.

Dahil inaantok pa ko, naisipan kong matulog muna. Tutal malayo layo pa ang byahe kaya kaya pa kahit mga 1 hour lang.

"Gands, tulog lang ako." Paalam ko kay Tinay. Nag-nod lang siya at bumalik ulit ang atensyon sa paghahanap ng magandang anggulo. Selfie queen psh.

Pinikit ko ang mata ko at nagsimulang mag-isip ng mala-fairytale na story which is ako ang bida.


BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon