91 - Love

1.3K 40 16
                                    

Jam's POV

Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Letth pero hindi ko siya ma-contact. Ano kayang nangyari sa kanya? Kahapon pa ko nag-aalala. May problema kaya?

Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Sinubukan ko ulit tawagan si Letth pero hindi parin siya ma-contact. Hindi ko naman siya mapuntahan sa bahay nila dahil pupunta dito ngayon si Pen. May pag-uusapan daw kami eh. Mukhang mahalaga kaya pumayag ako.

Di bale, makikita ko rin naman si beastfriend bukas sa school. Doon ko nalang siya kakausapin.

"Ang lalim naman ata ng iniisip ng girlfriend ko." Napa-upo ako sa gulat. Tumingin ako sa may pinto at doon nakita ang pinaka-gwapong nilalang sa balat ng lupa. "Napatulala ka na sa kagwapuhan ko."

Ngumiti ako. Pinulot ko ang mga nagkalat na libro sa sahig. "Pasensya na at makalat. Hahaha." Tinali ko ang buhok ko at inayos ang bed sheet.

Nakatayo parin siya dun sa labas kaya inaya ko siyang pumasok. Ngumiti lang siya at nanatili sa kinatatayuan niya.

Mukhang may tinatago tong isang to ah. Todo makadikit sa may pader eh.

"Anong meron Pen?" Lalapit na sana ako ng bigla siyang nagsalita. "Dyan ka lang." Kumunot naman lalo ang noo ko. Ano bang trip niya? Akala ko ba may pag-uusapan kami?

Sinunod ko ang sinabi niya. Nakatayo lang ako don habang siya panay ang ngiti. Argh! Ang weird niya talaga!

"Wala ka bang ideya kung anong pag-uusapan natin?" Umiling ako. Ngumiti naman siya lalo. Aish! "Hindi ka aalis jan hanggat hindi mo nahuhulaan kung anong meron sa araw na to."

I raise my eyebrow. Ano bang meron? Hindi ko naman birthday. Hindi niya rin birthday. Wala namang may birthday eh!

Teka nga, ano pa ba mga sini-celebrate? Birthday? Binyag? Eh sino namang bibinyagan? Tsk. Graduation? Hindi din! Despedida? Ay nako Jam! Wala namang aalis eh! Oh baka naman death anniversary?

Anniversary...

"OH MY GOD!"

Tinalon ko ang phone ko at tiningnan ang date. Confirm! Monthsary nga pala namin ngayon! Kaya nga pala nagkalat yung mga libro ko kasi naghahanap ako ng magandang regalo para sa lalaki! Sht. Paano ko nakalimutan yon?!

Napatingin ako kay Pen na nakangiti parin. Aba?! Hindi ba siya magagalit kasi nakalimutan kong monthsary namin?

"Aish! Sorry Pen. Sorry talaga! Hindi ko alam kung bakit ko nakalimutan pero promise alam ko talaga na monthsary natin, nakalimutan ko lang." Yumuko ako. Nakakahiya! Ako pa tong nakalimot! Makalaklak nga ng memory plus bukas.

"It's okay."

"H-hindi ka ba galit?" Tanong ko.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon