Letth's POV
Nagising ako ng maramdaman kong kumikirot yung gitnang parte ng katawan ko. Damn, nasobrahan ata! Tumayo ako ng ika-ika at pumasok sa banyo. Naghugas lang ako ng katawan ang nag-ayos. Mukhang napasarap ang tulog ko at anong oras na ko nagising. Di man lang ba nila ko ginising kagabi?
"Oh beastfriend, gising ka na pala."
"Ay hindi, tulog pa ko. Humihilik pa nga oh." Pagbibiro ko sa kanya bago isabit ang tuwalyang ginamit ko. Mukhang lantang gulay tong si Jam, pinagod din kaya siya ni Penyx?! Omg!
"Ang blooming mo ata beastfriend, anong meron?"
Sinuklay ko yung buhok ko at ng maalala ko na naman yung nangyari kagabi, napangiti na naman ako. Ramdam na ramdam ko talaga yung pagmamahal sakin ni Jm. Oh gosh, hindi na talaga ako makapaghintay na sabihin niya sa lahat kung gaano niya ko kamahal. For sure magugulat silang lahat, well as long as masaya kami ni Jm keri lang.
"Blooming naman talaga ako ah?" Sagot ko kay Jam.
"Yes i know, pero iba ka ngayon eh. Look at yourself, di na matanggal yang ngiti sa mukha mo."
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at tama nga si Jam. Nakangiti ako ng hindi ko man lang namamalayan. Wow, iba talaga ang epekto ni Jm!
"Hindi ba ko ganito dati?"
"Duh beastfriend! Lagi ka kayang tiger look. Hahaha!"
"Whatever. Oh ikaw, bat ang lanta mo? May nangyari no?" Tinaas baba ko yung kilay ko habang sinusundot sa tagiliran si Jam.
"A-anong sinasabi mo jan?!" Sabay hampas niya sakin.
Namumula na siya kaya agad niya kong tinalikuran.
"Bumaba ka na nga! Kakain na tayo. Nalipasan ka lang ata ng gutom eh."
"Okay, susunod na ho ako Mommy Jam."
"Wth, beastfriend naman!" Nag-pout pa siya sa harap ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ugh! Ano bang cute sa pagpapout?! Wala akong makitang rason para makyutan sila sa pout na yan tsk.
Di ko nalang siya pinansin at nagpalait ng pantaas. From now on, magiging mabait slash masipag slash sweet na Letth na ko for Jm. I don't care kung anong sabihin nila, alam naman siguro nilang mahal ko si Jm. Pero soon, malalaman nadin nilang nagmamahalan talaga kami at hindi to one sided love!
Pinusod ko ang buhok ko bago ako bumaba. Ano kayang magiging reaction ni Jm pag nakita niya ko? Damn, baka gawin niya na naman akong ulam. Aish, ano ba naman tong iniisip ko!
"Wow!"
Kinindatan ko si Dendo bago ako tuluyang bumaba. Kinurot naman siya sa tagiliran ni Tinay, aw ang cute cute ni Tinay magselos! Goodluck nalang sa magiging ugali ng anak nila lalo na't panay selos ang nararamdaman ni Tinay pft.
"Goodmorni-wow, kailan pa nakababa ang anghel dito? Haha." Pagbibiro ni Ralph na abala sa pagluluto. Magluluto palang? Aish, akala ko naman kakain na.
"Ngayon lang. Kakalapag ko nga lang eh." Nagtawanan kami pareho ni Ralph at nag-apir. "Ayos ba?" Sabay ikot ko.
"Iba ka ngayon Letth ha. Hahaha!"
"Iba talaga ako Ralph."
Kinuha ko yung baso na hawak ni Chander at ininom. Gulat na gulat si Kyna sa ginawa ko kaya ginulo ko yung buhok niya.
"Nauuhaw din ang dyosa." Umiling-iling lang siya habang as usual, nakangiti na naman si Chander.
"Anong nangyayari sayo? May masama bang spirit na sumapi sayo?"
BINABASA MO ANG
BENEFITS [Completed]
RomanceMagkaibigan. Nainlove. Umasa. Ginamit. Natuto. Started: December 13, 2014 Ended: May 02, 2016 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.