79 - Surprises

1K 40 17
                                    

Thea's POV

Kitang kita ng dalawang mata ko ang ginawa ni Aera. Wala akong ibang magawa kundi ang hintayin na makaalis siya. Kahit gustong gusto kong tulungan si Letth hindi ko magawa. Hindi ko kayang suwayin si Aera. Kilala ko siya at alam ko kung ano pa ang pwede niyang gawin.

"Learn your lesson bitch. Baka nakakalimutan mong ako si Aera? Wala pa sa kalahati ng kaya kong gawin tong ginawa ko sayo. Agawin mo pa sakin si Jm at hindi lang yan ang matitikman mo."

Sinipa niya ulit si Letth bago tuluyang lumabas. Ng masigurado kong wala na talaga si Aera, nilapitan ko kaagad si Letth. Oh gosh! P-paano ko ba to uumpisahan? She's really in pain. Panay ang tulo ng luha niya kahit na wala na siyang malay.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Kenny. I don't know kung eto parin ba yung ginagamit niyang number but i hope so. I really need his help.

"Please Ken sagutin mo,"

Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ko yung pisngi ni Letth. I'm sorry Letth kung hindi kita natulungan. Hindi ko kaya si Aera at mas lalong hindi mo siya kaya.

"What?"

"Ken! Oh my gosh thanks God!"

"Anong kailangan mo?"

Nakaramdam ako ng kirot sa lamig ng boses ni Ken. Nakakatawa, hindi parin pala ako nasanay. All this time si Ken talaga ang dahilan ng pagbalik ko. Gusto kong bumalik siya sakin at mag-umpisa kami ng bagong buhay. Pero lahat ng plano ko nasira. I was planning to seduce him again. Sinubukan ko na noong nasa states kami pero hindi naman tumalab. I really love him, i really do. But after seeing Sheira's face every time she's planning 'bout their future is killing me. Masyado niyang mahal si Ken. She's my friend after all. At kahit masakit, tatanggapin ko nalang na hinding hindi na mapapasakin pa si Ken. Hindi na mababalik yung dati.

That's why i am helping Sheira. Mas gugustuhin kong sa kanya mapunta si Ken kesa kay Kryshna. Even though pinsan siya ni Aera hindi parin ako papayag na maging sila ni Ken. Kilala ko si Sheira noon pa at alam kong noon pa din mahal niya na si Ken.

"Hello?"

"Ah yeah, i-i need you right now,"

"I don't have time for you Thea. Bakit di si Jm ang tinawagan mo?"

"Ken it's not about us nor me and Jm. It's all about Letth so could you freakin' help me instead? After all she's your friend, not mine."

"Letth? Anong nangyari kay Letth? Anong ginawa mo sa kanya?!"

Napapikit ako ng wala sa oras sa pagsigaw ni Ken. Damn, bakit ko nga ba kinalimutang demonyo narin ang tingin nila sakin? Ginusto ko nga pala to kaya dapat pinapanindigan ko diba?

"Wala akong ginagawa. You should be thankful at wala pa kong ginagawa sa kanya. Now get the hell her out of my sight!"

Binabaan ko siya bago pa mag-iba ang boses ko. Pinunasan ko kaagad yung luha sa pisngi ko at sinend sa kanya kung saan niya matatagpuan si Letth. Isipin niya na kung anong gusto niyang isipin tutal wala na namang magbabago. Papanindigan ko nalang kung ano man yung nasimulan ko.

"Thea?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Jm na naka-topless. Tss, hindi naman ako naaattract.

"What?"

"Where have you been?" Nag-aalalang tanong niya. Lalo lang akong naguguluhan kay Aera at Letth. Bakit ba sila patay na patay sa lalaking to? Yes gwapo siya, matangakad at cool. Pero lahat ng panget na ugali nasa sa kanya narin. Hindi na siya yung dating Jm na nakilala ko. Ibang iba na siya ngayon eh.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon