45 - Varied

1.2K 47 8
                                    

Kyna's POV

Nagising ako sa malakas na kalabog ng pinto ng kwarto. Nakita ko si Kryshna na nakabusangot at nakadapa sa kama niya. Ang aga aga ganyan itsura niya. Pero teka, umaga na?! Nakauwe na kaya si kuya?

Inayos ko yung sarili ko para bumaba. Pagbukas ko ng pinto, agad na bumungad sakin ang mukhang luging lugi ni Kuya Kenny.

"Oy kuya!" Nginitian niya lang ako at sumenyas na papasok daw siya sa loob.

Nag-nod lang ako kahit na ang weird. Anong gagawin niya sa loob ng room? Close ba sila ni Kryshna? Di ako nainform ah! Aish, lahat nalang talaga.

"Si kuya? Anjan na ba?" Umiwas ng tingin si Letth at tinuloy ang pagkain niya. What's wrong? Feeling ko may nililihim siya sakin. Hmm

"Wala pa siya Kyna. Actually pati si Tinay." Jam said. 

I sighed. Ilang oras nang wala dito si kuya. Okay lang kaya siya? Kumain na kaya siya? Aish, nag-aalala na ko ng sobra. Saan naman kaya si Tinay? Sana naman magkasama lang sila. Umupo ako sa tabi ni Letth at tinitigan siya. Nakaramdam siguro siya kaya tinaasan niya ko ng kilay.

"What?" Iritadong sabi niya.

"May problema ka?" We're friends na naman diba? Okay lang naman siguro kung tanungin ko siya.

"Wala." Maiksi niyang tugon. I can feel na may nililihim siya sakin. Tiningnan ko si Jam at ngumiti lang siya. Edi meron nga?

"Akala ko ba magkakaibigan tayo dito? Bakit parang ako lang yung walang alam?! Kaibigan niyo ba talaga ako?!" Pagrereklamo ko.

Tama naman ako diba? Kung talagang kaibigan nila ako, sana hindi sila nagdadalawang isip na pagkatiwalaan ako. Ano to? Ako lang ba yung nagfefeeling na kaibigan nila ako?!

"I said wala. Pwede ba wag kang sumigaw." Then she rolled her eyes.

"Kaibigan niyo ba talaga ako? Parang hindi naman. Kayo kayo lang naman nagsasabihan eh. Ano ba ko dito? Display lang ganun? Wow ha!" Hindi ko maiwasang hindi mainis. Ilang buwan nadin kaming magkakaibigan no! Pero ever since hindi sila nag-open sakin! Puro ako nalang!

"What's wrong with you?!" Tumayo si Letth sa harap ko habang pilit siyang pinapakalma ni Jam. "Kapag ba sinabi ko sayo yung problema ko may maitutulong ka ha? Wala kang karapatang sigawan ako Kyna. Hindi sa lahat ng pagkakataon dapat alam mo lahat. Matuto ka namang lumugar. Ilugar mo din yang pagiging matapang mo, wala na sa ayos eh. Masyado nang oa, alam mo yun? Mas okay pa yung dating Kyna eh." And then she left.

Ako ba talaga yung may deperensya? Hindi ko din alam. Ayoko lang naman nung pakiramdam na parang hindi ako belong. Na parang saling pusa lang ako. Ang sakit kasi, ang sakit sakit.

"Mainit lang yung ulo nun. Sinabayan mo pa kasi eh. Maaayos niyo din yan." Nginitian lang ako ni Jam bago tuluyang umalis.

Ngayon ako nalang mag-isa. Parang sirang plaka yung mga sinabi sakin ni Letth, paulit ulit na nagpplay sa utak ko. Hindi ko maiwasang hindi maiyak. Ang sakit lang lalo na't sa kanya pa galing. Gusto ko lang naman malaman eh, gusto ko lang mafeel na belong ako. Pero bakit parang ako pa yung masama? Sabagay, may mali nga naman talaga ako. Pero parang napasobra naman ata siya. Gusto kong ilabas yung sama ng loob ko pero hindi ko magawa. Wala akong mapaglabasan eh. Parang sasabog na ko. Nasan na ba si kuya? Kailangan ko siya.

Umakyat ako sa kwarto at nagbihis. Gusto kong mag-swimming, para naman kahit papano mailabas ko to. Hindi ko na kaya eh, parang lagi nalang akong mag-isa. Lagi nalang akong naiiwan. Lahat na sila, ayaw sakin. Ano bang problema sakin? Wala akong makita na dahilan eh! Nagbago ako kasi tingin ko yun ang tama, tapos ngayon maririnig kong wala sa ayos?! Aish. Ang hirap nila intindihin!

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon