Nang sundan ko sila Leerin, ang nadatnan namin ay napakagulong lugar. Ang daming lupang nasira at mga puno na nagsitumba.
4 C-Ranked Students ang naglalaban habang ang mga D-Ranked Students naman na nasa likod, nababalot ngayon ng takot habang despirado na protektahan ang mga bula.
"Kailangan natin silang pigilan" natatarantang sabi ni Leerin.
Handa na siyang tumakbo ulit nang pigilan ko siya gamit ang pagbatak ng kamay niya, "May mga medics na naka-antabay. Nasa 10% ang mana na natitira sa katawan nila. Titigil din 'tong laban na 'to"
Binitawan ko ang kamay niya, "Hindi mo kailangang ilagay ang sarili mo sa peligro"
Muli niyang nilingon ang mga estudyanteng naglalaban hindi kalayuan sa lugar namin at bumaba ang tingin niya, "Hm.."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang naiintindihan niya ang mga sinabi ko.
Makalipas ang ilang minuto, kusang natigil ang laban dahil sa pagod nila.
"Ipagpatuloy na natin ang mission natin" sa pagtalikod ni Vann, nagsalita si Celia, "Wala ka talagang pakialam kung may mamatay man sa mga kamag-aral mo ano? Hindi mo man lang ba kayang maghintay kahit hanggang sa dumating ang mga medic?"
"Hindi sa wala akong pakialam. At para namang may mamamatay sa kanila sa larong protektdo ng Generals? Ginagamit mo ba ang utak mo?"
"Okay, let me rephrase it for you okay??" pinilit na ngumiti ni Celia pagkaharap niya kay Vann, "Alam mo ba ang pakiramdam na bumaon sa katawan mo ang isang pana? Alam mo ba ang pakiramdam na madaplisan ng espada? At alam mo ba ang pakiramdam na matamaan ng Mahika sa katawan mo ha? Manhid ka ba, Vann o nagpapakamanhid lang?"
"Hah" at nandito ang tingin ni Vann na parang gusto niya ng patulan si Celia, "Ano ka ba bata na takot madapa? Sa tingin mo ba walang katapusan ang laban natin? Sa tingin mo ba sa bawat laban natin hindi ka masusugatan at masasaktan? It's all about acceptance and endurance. Kaya ka magiging warrior kasi hindi ka takot masaktan at mas lalong hindi ka takot mamatay. Kung ganyan ang mindset mo-- mabuti pang magdrop ka na"
Sa pagbalik ng tingin namin ni Leerin kay Celia, duon lang namin napansin na nagluluha na ang mga mata niya na para bang kahit na anong gawin niyang pigil ayaw tumigil sa pag-init ang mga mata niya.
"O-oy.." medyo natatarantang sabi ni Vann nang marealised niya ang nangyayari.
Kami dito ni Leerin hindi namin alam kung anong dapat naming gawin hanggang sa suminghot si Celia, "Wala akong sinabing takot akong masaktan!!! Kung ikaw ang nasa sitwasyon nila hinding-hindi kita tatalikuran! Anong acceptance ba ang sinasabi mo? Acceptance na kapag nawala ka tanggapin nalang namin? Ganun din ba ang mindset mo sa oras na kami na ang nasa sitwasyon nila?!" pinunasan niya ang luha niya at tumakbo siya.
Nagulat naman kami nang walang pagdadalawang isip na sundan ni Vann si Celia.
"Leerin, okay lang ba na hindi natin sila sundan?"
Umiling naman siya, "Nandiyan si Vann. Alam kong magiging okay lang ang lahat"
Bumalik ang tingin ko sa kaninang daan na dinaanan nilang dalawa.
CELIA'S POV
FLASH BACK
Naramdaman ko ang pagdampi ng madumi niyang kamay sa mukha ko kasunod sa mga braso at binti ko.
"Ano bang ginagawa mo, 501?" 501 ang number na nasa damit niya. At ito ang nagsisilbing mga pangalan namin ngayon.
"501? Nakalimutan mo na ba ang pangalan ko? Ako si Vann"
BINABASA MO ANG
Switched
FantasyDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...
