"Dragons.." boses ni Celia.
Sa pagharap ko, tulala siya na parang nakakita siya ng multo.
Huminga ako ng malalim, "Magpatuloy ka na, Marina"
Si Marina na nabigla pa nung banggitin ko ang pangalan niya, pero nagpatuloy na rin siya, "Zenon (Dimensional Gate)"
Nahati ang talon na parang nagbigay ng daan para sa amin. Sumara din ito matapos naming pumasok. Mistulang ibang mundo ang pinasukan namin mula dito.
Malawak ang paligid, pero walang mga tao o kahit na mga bahay. Mula sa pwesto namin, tanaw ang napakalawak na kalangitan dahil sa kauntian ng puno sa paligid.
"Karim" nilingon ko si Vann habang patuloy kaming naglalakad.
"Saan ba natin huling nakita ang Yin-Yang Dragons?" tanong niya kaagad. Bakas sa mukha niya na pinag-iisipan niya ito ng mabuti.
"Hmm, nakakita na ba tayo ng Dragons before?" -Celia.
"Ako pa ang tinanong niyo" sagot ko naman at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Leerin.
"Ha.. May amnesia ka nga pala" full of disappointment na sabi ni Celia.
"Isang Lost Unique Skill ang paggamit ng Yin-Yang Dragons kaya paano mo nagamit 'to?" - Vann.
Tinap ko ang libro na nasa bag ko na medyo tanaw ang ilang part ng libro, "Pinag-aralan ko ang origin"
"Nandito na tayo" pare-parehas kaming napalingon kay Marina na may malaking ngiti.
Sa muling pagbalik ng tingin namin sa harap, siyang paglitaw ng napakaraming tao sa harap namin.
"Mga Clairvoyant" puno ng amazement na sabi ni Leerin.
"Salamat at nakarating kayo ng ligtas dito" boses ng isang matanda na nasa gitna.
"Ako si Amelia, ang namumuno ngayon sa mga Clairvoyant. Ikinagagalak ko kayong makilala" sa pagdapo ng tingin niya, alam ko na kaagad ang kahulugan nito.
Kilala niya ako bilang Arvin Boreanaz, hindi bilang Karim Davila.
"Sorry po kung hindi namin kasama ang Captain ng Generals na katulad ng inaasahan ni Lola" pagpapaliwanag ni Marina.
Umiling naman si Ms. Amelia kasunod ng pagngiti niya habang diretsong nakatingin sa akin, "Alam kong makakarating din kay Mr. Boreanaz ang mga bagay na pag-uusapan natin" paghinto niya sandali.
"Irene, kayo na ang bahalang mag-asikaso sa kanila" ngumiti siyang muli bago kami talikuran.
May isang babaeng lumapit sa amin at ginuide kami papunta sa isang bahay na gawa sa kawayan.
Sa pag-upo namin nilapagan kaagad kami ng mainit na inumin at ilang makakain.
"Dito na ba kayo lumaki?" tanong ni Celia na lumilibot pa ang mga tingin sa paligid.
"Hindi naging part ng slavery si Lola dahil nagawa pa nilang makatakas, kaya matapos nating makalaya sa pagiging slave, inampon kami ni Lola at umalis kami ng East Ground. Simula nuon dito na kami nanirahan" sagot ni Marina pagkaupo niya sa tabi namin.
"Pero dahil sa nakitang vision ni Lola, napilitan kaming manirahan sa Endellion" dugtong ni Roniel.
Umupo si Ms. Amelia sa harap namin. Huminga siya ng malalim na nagpatahimik sa paligid, "Si Mathilda, ang nakakabatang kapatid ko o kinikilala niyo ngayong Lola, Marina, Roniel. . Nagsakripisyo siya ng buhay para masagot ang mga katanungan nating lahat"
BINABASA MO ANG
Switched
FantastikDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...
