KARIM'S POV
Inilapag ni Miguel ang medyo may karamihang papel sa table ko.
"Ito ang mga bilang ng gagawin natin hanggat nasa mission sila"
"Madami na ata?..."
"Habilin 'yan ni Arvin. Walang nakakaalam ng plano ni Bayron, hindi natin siya dapat bigyan ng pagkakataon na gawin ang gusto niya"
"Nasaan nga pala si Aliyah at Leo?"
"Dumating na ang mga bagong armas. Binigay ko na sa kanila ang trabaho para tignan kung kumpleto at nasa maayos na condition ang lahat ng dumating" umupo si Miguel sa upuan at nagpatuloy, "Kung sino man sa kanila ang nagpapanggap, hanggat magkasama silang dalawa-- may isang totoong General parin na lalaban kay Bayron"
Tumayo na ako at kinuha ko ang mga papel na nilapag niya. Isa-isa ko naman 'tong tinignan, bawat isang bagay, dalawang tao ang naka-assign. Naka assign ako kasama si Leo sa pagpapatrol sa buong Abarca tuwing may liwanag habang tuwing gabi naman ay sila Miguel at Aliyah naman. Pero magiging effective lang ang mission na 'to bukas, kaya kaming dalawa ni Miguel ang magpapatrol mamaya.
Sa kaunti pang paglipat ko ng papel, may isang bagay ang nakuha ang buong attention ko, "Paghahanda para sa giyera laban kay Bayron?" at nagtama ang tingin namin ni Miguel.
"Hm, isang decoy"
Kahit dito may rotation din na magaganap sa amin.
"Isang paraan para mailayo ang attention ni Bayron sa Vidre kung saan naroon ang mga bata kasama si Arvin. Para itong double edge sword. Dahil ihahanda rin nito ang mga warrior para sa mga may gustong umataki sa Abarca"
"Ito lang ba ang maitutulong natin kila Arvin?" tanong ko naman.
"Lahat ng may connection kay Bayron-- kailangan nating malaman" nagmove forward siya para abutin ang tasa niya na nasa table na nasa harap niya, "Pero at the same time, kailangang protektahan natin ang palasyo"
"Hm, lalo na't may nagtangka rin sa buhay ng Prinsipe" nagulat ako sa bigla niyang paglingon sa'kin. Napatigil din siya sa paghigop ng kape niya.
"May nagtangka sa buhay ng Prinsipe?"
"Nakalimutan mo na ba 'yung nangyari pagdating nila dito sa Abarca?" at biglang parang nadisappoint siya sa sinabi ko.
"'Yung arrow ba ang sinasabi mo? Nakalimutan mo narin ba na sa'kin galing 'yon?" at dahil duon kahit ako nadisappoint sa sinabi ko.
"P-pero sandali. Nabanggit ni Arvin na nagkalaban sila ni Bayron habang nasa mission kasama ang Prinsipe. Bago rin ito, may report na dumating na inataki ni Bayron ang kampo ng Prinsipe sa Vidre. Hindi kaya ang pagiging Clairvoyant ng Prinsipe ang dahilan? Ito rin kaya ang dahilan kung bakit ang Vidre ang gustong imbistigahan ni Arvin?"
"Kung ganuon, si Prinsipe Peter ang target ni Bayron?"
"Ilang araw na silang magkasama sa iisang bubong, kaya bakit wala parin siyang ginagawang action?..."
"Dahil may protection si Peter laban kay Bayron" boses nanaman ni Arvin na narinig namin.
"Protection? Anong tinutukoy mo, Captain?"
"Protection na kahit anong gawin ni Bayron-- hindi niya magagawang saktan si Peter. Protection na kahit ako ang magtangka sa buhay ni Peter, hindi ko rin magagawa. Malapit na kami sa Endellion, babalikan ko nalang kayo" at biglang naglaho ang presensya ni Sunnivah.
BINABASA MO ANG
Switched
FantasyDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...