CHAPTER 21: VS 17,572 Thousand Absaar

27 2 0
                                        




MIGUEL'S POV

"Miguel" boses ni Arvin.

Hindi ako nagsalita at hinayaan ko siya na magpatuloy.

"Nasira ang barrier na ginawa ni Leo. Nang tignan ko ang kalagayan niya-- nakahandusay nalang ang katawan niya sa lapag at wala siyang malay"

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko gamit ang isip.

"Aataki ngayon si Bayron"

"Kung walang malay ngayon si Leo, si Aliyah ang impostor?"

"Malalaman natin sa susunod na hakbang ni Bayron"

"Ugh!" nilingon ko sa likuran ko si Aliyah na bigla nalang bumagsak sa lupa. Pero bago pa man ako makalapit sa kanya-- may napakanipis na bagay ang tumusok sa leeg ko.

Pagkabagsak ko sa lupa, hindi ko maramdaman ang buong katawan ko.

"Anong nangyayari diyan, Miguel?!" tanong naman ni Karim.

"I-isang Paralytic Magic Tool" sagot ko gamit isip dahil kahit pagbuka ng bibig ay hindi ko magawa.

"Nagsimula ng maglitawan ang mga Absaar" kasunod ng pagkarinig ko ng mga hakbang na papalapit sa'min ni Aliyah. "Magpahinga na muna kayo, Generals" Bayron! At bigla siyang naglaho.

"C-Captain, ang mga bata!"

"Karim, magpapalit tayo"

"H-hm"


KARIM'S POV

Hindi kalayuan, nakuha nila Arvin ang attention ko. Kasama niya sila Leerin, Celia at si Vann na puno ng mga sugat.

"Leerin, Celia" pagtawag niya at may ngiting lumitaw sa labi niya, "Kailangan ng Generals ng tulong niyo, matutulungan niyo ba sila?"

"A-anong sinasabi mo, Karim?" nagtatakang tanong ni Celia kaya lumapit na ako.

"Matapos ang ilang minuto, mababalot ng mga Absaar ang lugar na 'to. Wala sa maayos na kundisyon ang mga Generals, kaya personal kong hinihingi ang tulong niyo" at itong si Celia, halos matameme na kakatitig sa'kin. Kung batukan ko kaya ngayon 'to.

"A-Absaar. Kagagawan ba 'to ni Bayron?" tanong ni Vann kahit nanghihina na siya, "T-tutulong din ako"

"Sa ngayon, iprioritise mo muna ang sarili mo. Hindi mo mapoprotektahan ang mga tao kung wala ka sa tamang kundisyon" sagot ni Arvin.

"O-oo nga, Vann" nahihiyang dugtong ni Celia.

"Celia, Leerin, maari bang mag cast kayo ng barrier para na poprotekta sa lugar na 'to?" tanong ko at napansin ko ang ngiti ni Arvin.

"Masyadong malaki ang lugar pero tatlo tayong gagawa" at lahat ay sumang-ayon kay Arvin.

"Magus Enhancement" sabay-sabay nilang sabi,

"Esriel (Cry)" sabay na sabi ni Celia at Arvin at ang lakas ng buhos ng ulan na bumilog sa buong paligid, "Alastair  (Frozen Wall)" sabay pang sabi ni Arvin at Leerin.

K-kaya niyang magrelease ng napakalakas na Mahika gamit ang katawan ko.

Ang ulan na nasa paligid ay naging mga yelo.

At sa isang pikit ko, nasa totoong katawan ko na ako.

Tiningala ko siya matapos kong maramdaman ang malaking kamay niya sa ulo ko. Sa pagtingala ko, sumalubong ang ngiti niya, "Mukhang ang laki ng improvement mo, Karim Davila"

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon