ARVIN'S POV
Matapos kong mapakalma si Peter, mas minabuti ko na hindi muna sabihin sa kanya ang mga nangyayari, dahil mas gusto kong personal ko sa kanya na ipaliwanag ang lahat.
"Nagtitiwala ka ba talaga sa Karim Davila na 'to?" ito ang tanong na parang nagtatampo siya dahil tinago ko sa kanya ang katotohanan.
Kahit hindi ko sila nakikita, naiimagine ko kung anong expression mayroon ngayon si Peter kaya naman, hindi ko rin napigilan ang ngiting lumitaw sa labi ko.
"Hm, nagtitiwala ako kay Karim"
"Kailan ba kayo babalik dito sa Abarca?" pagbago niya ng topic.
"Bukas ng umaga nandiyan na kami. Bukas nalang ulit, Peter" at pinutol ko na ang connection na mayroon kami.
Sinalubong ko naman mula sa likod ko si Ms. Amelia na may malaking ngiti habang hawak ang tungkod niya.
"Sa lugar na 'to, halos nasa isandaang Clairvoyant ang naging parte ng slavery na pinamumunuan ni Bayron Farquhar. Salamat sa patuloy na pagprotekta mo sa kanila, Arvin"
Marahan akong ngumiti at napaiwas ako ng tingin kay Ms. Amelia. Mas minabuti ko na ituon ang mga tingin ko sa langit na puno ng bituin.
"Pasensya po kung hindi ko mapagpapatuloy ang nasimulan ko.. "
"Nagkakamali ka, Arvin. Dahil ang gagawin mong pagpapalaya sa kanila, ang natatanging daan para maprotektahan mo ang buong mundo"
Napabuntong hininga ako dahil nakuha ko kaagad ang pinupunto niya. "Mukhang ito ang kapalarang hindi ko dapat baguhin"
"Wala naman akong nakikitang mali sa kapalaran na nakatadhana sa'yo" sa muling pagtagpo ng tingin namin, siyang pagngiti niya na nakapagpakalma sa akin.
"Naniniwala akong matapos ang laban na 'to, napakagandang hinaharap na ang makikita naming mga Clairvoyant"
Dugtong niya na nagpalitaw ng mga ngiti ko.
KARIM'S POV
"Para sabihin ko sa'yo, kung hindi dahil sa kapatid ko baka hindi ka na buhay ngayon" - Prinsipe Peter.
"Prinsipe" pagtawag sa kanya ni Miguel.
"Ano?...!" at mukhang hindi kayang kalaban ni Miguel ang Prinsipe.
"K-Kung hindi niyo mamasamain. Hindi ba't isa ka sa mga tao mula sa East Ground?"
"Hm? May nabanggit nga sa akin si Aliyah na katulad ka namin na dating slave ni Bayron" dugtong ko naman.
"Kung naging part ka sa slavery, ganun din si Arvin?" -Miguel.
Nung una nag-aalangan na sumagot ang Prinsipe hanggang sa bigla nalang siyang tumango, "Oo, katulad niyo kami na dating slave ni Bayron. Ang number ko ay 528 habang 461 naman si Kuya Arvin" salitang nagpadiretso ng tindig namin ni Miguel.
Dali-daling tumakbo papalapit sa Prinsipe si Miguel at walang pasintabing binaba ang collar ng damit ng Prinsipe papunta sa dibdib nito. Duon nakita namin ang crest na katulad ng nasa katawan ko.
"O-oy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?...!" kasunod ng pagtapik ng Prinsipe ng kamay ni Miguel.
Nagulat naman ako nang mabilis na napunta sa harap ko si Miguel at walang pasintabi ring binaba ang collar ng damit ko. Handa ko na sana siyang itulak nang parehas kaming dalawang nabigla, wala siyang crest?
BINABASA MO ANG
Switched
FantasiaDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...