CHAPTER 40: THE DEPARTURE

46 0 0
                                    

ARVIN'S POV
Naging payapa ang paligid sa mga sumunod na araw. At ngayon, dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung naganap ang huling laban kay Bayron.

Inanunsyo na rin sa buong Abarca ang pagiging Crown Prince ni Peter, at ngayon, kasalukuyan kong pinapasa ang position ko bilang Captain ng Generals kay Miguel.

Matapos ng nakakapagod araw, pakiramdam ko nawala ang bigat na pasan-pasan ko.

"Mamaya narin ba magsisimula ang paglalakbay mo?" tanong ng Hari na kakapasok lang ng kwarto ko.

Yumuko ako para magbigay ng galang pero naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko kaya itinaas ko ang ulo ko.

"Pamsinsan-minsan babalik ka rito sa Abarca. Paniguradong kakaiba ang Palasyo kapag wala ang presensya mo"

"Kahit hindi niyo po sabihin"

Ngumiti siya kasunod ng paglalakad niya palapit sa bintana kung saan tanaw ang buong Abarca. Sinundan ko naman siya at tinignan din ang lugar na tinitignan niya.

"Hindi lang ang Palasyo ang maninibago sa pagkawala ng presensya mo, kung hindi maging ang mga tao sa Abarca"

"Nagtitiwala naman ako sa kakayanan ni Miguel. Nandito rin sila Leo at Aliyah"

"Hm? Hindi mo ba alam na umalis na rin sa pwesto niya si Aliyah? Kaya wala pang tulog si Miguel at Leo kakahanap ng karapatdapat na tao na papalit sa pwesto niyo" nilingon ko ang hari ng puno ng pagkabigla.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"

"Personal niya akong kinausap para sa plano niya. Tinapos niya lang ang ceremony kanina at kaagad niya ring nilisan ang Abarca"

"N-nang wala pong pasabi sa akin?"

"Hindi ko alam na hindi siya nagpaalam sa'yo. Nagmamadali siya kanina at sinabi na marami siyang papel na kailangang ayusin"

"Pinabibigay niya sa'yo 'to, Kuya" nilingon namin si Peter na kapapasok ng kwarto at kaagad niyang inabot sa akin ang isang sobre.

Binuksan ko ang sobre at tanging, See you soon and take care for a while lang ang nakasulat dito.

"Kuya Arvin, sasabay na ako sa'yo papunta sa East Ground" binalik ko ang papel sa sobre.

"Sigurado ka? Sa isang linggo pa dapat ang alis mo"

"Hm" at hinarap niya ang Hari, "Sorry po sa padalos-dalos kong desisyon"

Pero ngumiti lang ang Hari, "Dalawang taon lang naman ang kailangan kong tiisin"

"Salamat po. Sa oras na umalis na po kami rito sa Abarca, h'wag niyo pong kalilimutan ang pag-inom niyo ng gamot. Kailangan niyo pong makita kung paano ko lalong pauunlarin at kung paano ko poprotektahan ang Abarca at ang mundo"

"Hm. H'wag ka ng mag-alala, sa kabutihang palad gumaling na ako dahil sa tulong ni Aliyah" may pagkabigla namin siyang nilingon at halos matulala na kami dahil sa saya.

Kaagad namang niyakap ni Peter ang Hari.

Hindi rin nagtagal dumating ang oras na kailangan na naming umalis ng Abarca. Hindi ko matignan ng diretso sa mga mata ang Hari dahil sa halatang pagpigil nito ng mga luha niya.

"H'wag niyo kakalimutan na dalawin ako"

"Hm, babalik din po kami kaagad, Ama" may ngiti kong sabi at kasunod nito ang tuluyang pagbagsak na ng luha niya.

Sa pagsisimula ng paglalakbay namin, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi tignan ang Abarca habang papalayo kami rito.

Babalik din kami...

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon