"Kaya mo ba talagang patayin ang babaeng pinakamamahal mo?" seryoso pero may mga pilyong ngiti na tanong ni Bayron na ngayon ay lumaban gamit ang katawan ni Aliyah.
Handa na sana ako magtake ng step para tulungan si Arvin nang harangan ako ng kamay ni Miguel, "Laban ni Arvin 'to. Hayaan mo siya"
"Tama si Miguel. Dahil kahit kung ako ang nasa lugar ni Arvin, hindi ko mahaharap si Aliyah matapos ang laban na 'to kung tutulungan ako ng ibang tao" dugtong ni Leo.
Wala kaming nagawa kung hindi ang manuod nalang habang nakikipaglaban si Arvin.
"Maaari ko na ba malaman kung ano ang mga nangyayari?" tanong pa ni Leo at tinignan niya ako at unconsciously akong napaiwas ng tingin.
"Kailan pa kayo nagkapalit ng katawan ni Arvin? Sa nakikita ko, kaya hindi ko alam na nagkapalit kayo ay dahil sa pinagdududahan niyo rin ako na ako si Bayron"
"H'wag kang mag-alala, Leo. Hindi lang ikaw ang naglaro sa palad ni Arvin at ng isang high school student" napapakamot sa ulo na sabi naman ni Miguel kahit kila Arvin nakatuon ang mga mata niya.
"Nagkapalit kami araw matapos na parehong nasa bingit ng kamatayan ang mga buhay namin" sagot ko.
"Hmm, so ang tagal na pala simula nung niloloko mo kami?" - Celia.
Napabuntong hininga ako, "Wala naman akong balak na lokohin kayo... sadyang hindi lang namin masabi sa iba ni Arvin dahil maaaring malagay din kayo sa panganib"
"Wow~ safe pa pala kami ngayon?..." dugtong pa ni Celia kaya napabuntong hininga ulit ko.
"Naaalala mo pa ba nung umataki si Bayron sa East High? Kung nagkataon na alam niyo na nagkakapalit kami, paniguradong madali nalang para kay Bayron na malaman na hindi ang totoong Arvin Boreanaz ang nasa Palasyo at madali niyang masasakop ang Abarca. At kung hindi dahil kay Arvin, paniguradong maraming estudyante ang namatay"
At napapout nalang siya, "Mabuti pa, hintayin na natin na silang dalawa ni Arvin ang magpaliwanag" kasunod ng pagpat ng kamay ni Vann sa ulo ni Celia.
Sabay-sabay kaming napalingon kay Arvin, mula sa mga paa ni Aliyah nagsimulang magsilitawan ang mga dahon na unti-unting gumagapang sa buong paligid at unti-unting bumabalot sa mga pader ng Palasyo.
"Kastur (Fragrant of Death)"
"Randal (Howl of the King)" pagdipensa sa amin ni Leo ng walang kahirap-hirap at pinoprotektahan kami ngayon ng barrier na kahit ang mga halaman ni Bayron ay hindi makapasok.
"Mystral" mula sa paghawi ng spear ni Arvin, siyang pagdaan ng malakas na hangin na nagtaboy sa itim na aura na nagkalat sa paligid.
Lumingon dito si Arvin bago niya ibalik kay Bayron ang tingin niya, "Tayong dalawa ang naglalaban dito. H'wag kang mandamay ng ibang tao"
"Pinapadali ko lang ang mga bagay-bagay. Dahil sa oras na mapatay kita, katapusan na ng Abarca-- hindi, ng buong mundo! Agimar (Sharp Petals)" hindi ito katulad ng unang ataki niya dahil sa sobrang dami ng bilang nito na animoy nasa ilalim ka ng puno na naglalagas ang mga bulaklak nito.
"Mystral" sa paghawi ulit ni Arvin ng spear niya siyang pagkataboy niya ng mga petals.
Mas pinabilis ni Bayron ang pagkalat ng mga halaman sa paligid kasunod ng mga petals na nagsimulang galusan si Arvin kahit na anong pagtaboy niya dito gamit ang hangin, "Zaria (Chain of Roses)" at sumunod rin ang napakaraming matatalim na mistulang ugat na pilit na hinahabol si Arvin.
BINABASA MO ANG
Switched
FantasyDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...