KARIM'S POV
Hating gabi nagising ako dahil sa presensya ni Arvin na nasa loob na ng kwarto ko.
"Sumama ka sa'kin" seryosong sabi niya pero bago pa man ako makapagsalita, imbis na sa malambot na kama ako nakaupo ay nakaupo ako ngayon sa mga damo.
Nandito nanaman kami sa isang lugar na sobrang layo sa kabihasnan. Sa sobrang layo, halos namoblema na ako kung pano ako babalik ng Abarca nung unang pagkikita namin. Kung hindi niya ako binalikan, baka naging hapunan na ako ng mga hayop dito sa gubat.
May lumitaw na espada sa mga kamay niya na kaagad niyang tinusok sa lupa sa harap ko, "Mag-aral ka kung paano mo kontrolin ang isang laban"
Tumayo ako, "Sa laban na pinakita mo kanina, masyado kang nagfocus sa pagdepensa at halos hindi ka makaataki. Alam mo bang pinagbibigyan ka lang kanina ni Miguel?"
Pagkatayo ko pinagpag ko ang damit kong na medyo nadumihan at kinuha ko ang espada, "Alam ko. Kung hindi dahil sa'yo, hindi siya magseseryoso"
"Magsimula na tayo" seryosong sabi niya at sa isang iglap lumitaw siya sa harap ko.
Hinawi niya kaagad ang espada ko. Dahil hindi ako handa, tumilampon ang espada ko at napaupo ako kasunod ng pagtutok niya ng espada sa'kin.
"Ito lang ba ang kaya mo, Karim?"
Sa sobrang pikon ko, sinubuksan kong iikot ang paa ko pahampas sa mga paa niya pero tinaas niya ang unang paa niya na tumapak at pumigil sa paa ko.
Yung ang laki ng difference ng katawan naming dalawa pero nagawa niyang pigilan ang paa ko gamit ang maliit kong katawan?
Inalis niya sa pagkakatapak ang paa niya sa binti ko. May inilapag naman siyang anim na libro sa harap ko.
"Aralin mo 'yan" napatingala ako sa kanya na para bang hinihintay ko na sabihin niyang nagbibiro lang siya, "S-seryoso ka ba?"
Kinuha ko ang isang libro. Isa 'tong origin ng isang Lost Unique Skill, hindi! Dahil ang anim na 'to ay Unique Skill.
"P-Pero hindi ko parin 'to magagamit kung hindi sapat ang Mana Control ko" sabi ko pa dahil totoo naman. Malakas na Mahika at matinding Mana Control ang kailangan ko para magamit 'to.
"Sa susunod, pag-aaralan mo naman ang Mana Control gamit ang totoong katawan mo" napabuntong hininga ako at kinalat ko ang anim na libro sa harap ko, "Safiya, Anahita, Tellus, Mystral, Luna.. S-Sunniva? The Six Catastrophic Dragon? Bakit parang familiar sa akin ang mga pangalan?" tiningala ko siya ulit.
"Catastrophic Dragon si Sunniva at Luna?!..." dugtong ko pa.
Tumango siya, "Hm, ang Yin-Yang Dragons o kilala bilang Twin Dragons. Unfortunately hindi mo makikita ang totoong anyo nila dahil hindi ikaw ang owner ng Skill. 30% lang ang lakas nito sa orginal dahil imitation lang ang mangyayari pero kung ito ang matututunan mong skill, baka ikaw ang kauna-unahang taong makatalo sa'kin"
Napalunok ako bigla dahil sa sinabi niya pero kaagad niyang nilapit ang tingin niya sa'kin, "Naglalaman ng 800 pages ang bawat libro. Kaya paghusayan mo"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Pero hindi na nakakabigla dahil sa kapal ng mga libro.
"Siguraduhin mong mapag-aaralan mo ng mabuti 'yan bago dumating ang araw na huling beses na magpapalit tayo"
Nagcross feet ako, "Kailan ba 'yung araw na 'yon?"
Napatingala siya sa buwan, "Hindi ko alam"
BINABASA MO ANG
Switched
FantasyDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...