KARIM'S POV
"Karim, ikaw na muna ang bahala sa Prinsipe. Pupuntahan ko si Leo para masiguro ang kaligtasan ng Hari. Magkita tayo sa labas" at walang-ano-ano ay umalis si Miguel.
"Mahal na Prinsipe" pagtawag ko at tumango siya.
"Maging alerto tayo hanggang sa makasama natin sila Miguel" sabi ko pa pero handa na sana akong maglakad nang magsalita si Celia.
"S-sandali, nalilito na ako sa mga nangyayari!"
"Importante pa ba ngayon 'yan? Nandito si Bayron sa Palasyo" sagot ng Prinsipe.
Napatingin ako kay Leerin na nakahawak sa dulo ng damit ko. May mga kakaiba siyang mga tingin na nagpapabilis ng tibok ng puso ko, "I-Ikaw ba talaga 'yan, Karim?"
Hinawakan ko ang kamay niya at hinawakan ko 'to ng mahigpit. "Hm"
Duon ko nakita ang napakasayang ngiti niya na halos magluha na ang mga mata niya.
"Pasintabi lang ah? Pero pwede na ba tayong umalis dito?" tanong ng Prinsipe.
Tumingin ako sa napakahabang corridor, ikaw na ang bahala, Arvin.
ARVIN'S POV
Tumalikod siya sa akin at patuloy niya na pinagmasdan ang napakaliwanag na kalangitan. Wala kang maramdamang takot sa aura na dala niya na parang hindi siya nangangamba na masaksak ko siya mula sa likod niya.
"Kailan mo pa alam na si Karim ang nasa katawan ko?" pero nangiti siya.
"Mahaba pa ang araw bakit hindi muna tayo mag-usap? Araw bago kami pumunta ng East Ground alam ko na " humarap siya sa akin, "Napansin ko na iba ang kilos niya, kaya naman hinawakan ko ang dibdib niya at duon ko nalaman na ibang tao ang nabubuhay sa katawan mo"
Mula sa mga anino ko, lumitaw ang isang vase ng mga bulaklak, "Ginamit mo ang mga bulaklak mo para lang malaman kung ano talaga ang nangyayari" kasunod nito ang pagbaba ko nito sa malapit na table.
"Tiwala akong hindi niyo 'to mapapansin pero mukhang minaliit kita. Paano mo nalaman na hindi ako ang totoong Aliyah Halifax?"
"Pinagdudahan kita dahil sa halaman na binigay mo kay Karim nung nasa katawan ko siya. Sumunod sa paraan ng paggamit mo ng mga magnet arrow sa laban natin sa Vidre"
Hindi siya nagsalita at mukhang mas gusto niya na magpatuloy ako sa pagsasalita, "Alam mo ba ang sneak attack na ginawa mo? Sinabi mo 'to sa'kin bago ang araw na magkapalit kami ng katawan ni Karim"
"Ow? ~" namamanghang sabi niya na parang wala talaga siyang alam.
"At base sa reaction mo ngayon, mukhang hindi mo ito naaalala dahil nasa memorya lang 'to ng totoong Aliyah Halifax. At mukhang tama nga ako na ginamit mo ang ability na nakuha mo mula kay Ms. Mathilda para mapatay mo ang Aliyah Halifax na nagmula sa nakaraan para makontrol mo ito at ginamit mo ang ability na nakuha mo sa isang Clairvoyant na pinatay mo 7 years ago para paandarin ang sarili mong oras na sapat para sa kasalukuyan. Ang nangyaring Lunar Eclipse, hindi lang kami ni Karim ang nagkapalit-- kung hindi maging ang nakaraan at kasalukuyang Aliyah Halifax"
Mas lalong naging malademonyo ang mga ngiti niya, "Malaman mo kaya ang katotohanan kung hindi kayo nagkita ng mga Clairvoyant?"
"Bago pa man namin sila makausap, pinagdududahan na kita"
"Dahil sa bulaklak na binigay ko kay Karim Davila at dahil sa magnet arrow? Haha, paano mo naman mapapaniwala ang napakaraming tao sa simpleng dahilan?"
BINABASA MO ANG
Switched
FantezieDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...