CHAPTER 33: AM TRAINING

14 0 0
                                    

ARVIN'S POV

Matapos kong ibigay ang notebook na pinagsulatan ko ng origin ng Unique Skill ni Aliyah, bumalik narin sa kwarto si Karim kung saan nanduon din ang mga kaklase niya.

Kalagitnaan ng malalim kong pag-iisip, siyang pagkatok ni Miguel mula sa pinto.

Sa pagpasok niya, umupo kaagad siya sa upuan sa tabi ng kama ko.

"Wala kang balak na sumabay sa mga bata sa pananghalian?" bungad niya.

"Hindi pa ako nagugutom"

"Nag-aalala ka ba kay Aliyah?"

Muli kong binalik ang tingin ko sa labas ng bintana, "Alam kong buhay siya. Nagtitiwala rin ako na ligtas siya at kaya niyang protektahan ang sarili niya"

"Hindi ba dapat nagpapalakas ka na ngayon?"

Ngumiti ako pagkaharap ko sa kanya, "Hmm, nag-aalala ka ba?"

Napaiwas naman siya ng tingin, "Dadating ang araw na pagsisilbihan ka namin. Hanggat maaari kailangan naming masiguro ang kaligtasan mo"

"Wala akong balak na umupo sa trono" inaasahan ko ang pagkabigla niya dahil sa walang pagdadalawang isip kong sagot, "Nahanap ko na ang sagot kung paano ko mapoprotektahan ang mundo"

May ngiti ko siyang tinignan sa mga mata at napakamot naman siya sa ulo niya, "Matapos ang laban natin kay Bayron, maaari ko bang ipagkatiwala sa'yo ang position na mayroon ako ngayon?"

At lalong nanlaki ang mga mata niya, "A-anong sinasabi mo?..."

"Pagkatapos ng laban natin kay Bayron, aalis na ako sa position na 'to"

KARIM'S POV

Kinabukasan, alas-tres ng madaling araw, biglang bumukas ang pinto at mga ilaw.

"Magsibangon na kayo" tanging boses ni Arvin na nagbibigay ingay sa loob ng kwarto.

"Hmmmm" sabay-sabay na gawi ni Vann at si Celia na nagbalot ulit ng kumot at lalong nagbaluktot sa sari-sariling kama na hinihigan nila.

Sa pagbangon ko siya ring pagbangon ni Leerin.

"Celia, Vann, hanggang kailan niyo pa balak na matulog?" tanong pa ni Arvin at nilapitan niya na si Celia kasunod ng paghatak niya ng kumot na nakapatong sa buong katawan niya.

"Ano ba! Ang aga-aga pa..."

"Magsisibangon na kayo o pwersahan ko kayong ilalabas ng kwarto?" napalingon ako kay Arvin dahil sa nakakatakot na tono ng boses niya.

Pero matapang na kinuha ni Celia ang kumot na nasa kamay ni Arvin at humiga ulit.

"Magus Enhancement. Luna" sa isang saglit, wala na kami sa loob ng kwarto kung hindi nasa labas na kami, pero nasa loob parin ng Palasyo.

"Ano ba! Ang aga-aga pa. Nakikita mo ba kung gaano kadilim ngayon ang langit?!" gigil na gigil na sabi ni Celia na may napakagulong buhok pa at nakaupo siya ngayon sa maduming lupa.

"May 15 minutes kayo para maghilamos at magmumog. Matapos ng labing-limang minuto, magkikita-kita tayo dito. Nagkakaintindihan ba tayo?" sa pagtama ng mga tingin namin kay Arvin, hindi ko alam kung ano 'tong pressure na nararamdaman ko na para bang ibang Arvin ang nasa harap namin.

Sa sumunod na segundo, nabalik kami sa loob ng kwarto.

"Aaah! Ano ba problema ni Arvin Boreanaz. Kaaga-aga!" sabi ni Celia at para siyang batang hindi nabilhan ng candy dahil sa pagwawala niya.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon