CHAPTER 36: REGAIN

15 0 0
                                    

"Ikaw lang mag-isa?" tanong ko kay Arvin matapos niyang sabihin na siya lang ang mag-isang lalaban kay Bayron.
 

  "Para saan pa 'yung mga paghihirap namin sa pag-eensayo kung ikaw lang pala ang lalaban?" sabi pa ni Celia.
 

  "Protektahan niyo ang mga tao sa East Ground" at tinignan niya si Celia ng seryoso. "Hindi natin sila kaagad madadala sa ligtas na lugar. Hindi natin alam kung bakit ang East Ground ang pinili na lugar ni Bayron, kaya naman kayo lang ang may kakayahang magprotekta sa mga taong nanduruon"
 

  "Pero naninirahan sa East Ground ang ilang mga estudyanteng sanay makipaglaban" mahinahong sabi ni Leerin.
 

  Tumango si Arvin, "Pero si Bayron ang kalaban natin at hindi kapwa niyo estudyante"
 

  Gumulong palantad ang isang napakalaking mapa. Kasunod nito ang pagbilog ni Arvin gamit ang isang ballpen sa buong mapa ng East Ground. "Sa mana control niyo ngayon, paniguradong kaya niyo ng gumawa ng barrier para sa buong East Ground. Karim, Leerin at Celia, nakaassign kayo sa paglikha ng mataas at makapal na barrier. Habang ikaw, Vann, alam mo na ang gagawin mo"
 

  Sumang-ayon naman kaming apat sa sinabi niya at nilingon niya si Miguel, "Ikaw ang magko-command sa kanila. Bantayan mo rin si Peter"
 

  Huminto siya at naging mas seryoso pa ang mga tingin niya, "Matapos niyong magawa ang barrier, aalisin ko ang seal ko sa mga tao"
 

  Ang ibig sabihin mas magiging seryoso na ang laban niya.
 

  "Napansin ko na nagblurred ng kaunti ang crest na nasa katawan namin, dahil ba 'to sa naging laban niyo nung nakaraan?" tanong ni Vann.
 

  "30% ang nawalang Mahika sa mga crest, at kung tuluyan kong ginamit ang 100%, si Peter na ang magiging target ni Bayron dahil wala ng barrier na magpoprotekta sa kanya" huminto siya sandali bago nagpatuloy ulit, "Sa pag-alis ng seal, ipinagkakatiwala ko na sa inyo ang kaligtasan ng maraming tao"
 

  "Woa.... Sinabi ko lang na para saan ang hirap namin pero.... napakabigat na responsibility ang binigay niya..." bulong pa ni Celia na nabigla sa paghampas ng papel ni Arvin sa table, "Kung may mangyaring hindi maganda sa akin, nasa kamay niyo ang kaligtasan ng maraming tao. Nandito naman si Miguel, siya na ang bahala sa inyo"
 

  Matapos din ng meeting na 'yon, nagtungo kaagad kami sa East Ground. Dahil sa mabibilis na kabayo, hindi na nagtagal ang paglalakbay namin.
 

  "Arvin" may pag-aalalang lumapit sa amin si Ms. Helen kasama si Eugene.
 

  "Ms. Helen, kayo na po muna ang bahala sa mga bata. Alam ko pong mas nagtitiwala sila sa inyo" tumango si Ms. Helen.
 

  Inikot ni Arvin ang katawan niya paharap sa amin, "Miguel, ikaw na ang bahala sa command. At kayong apat--" at tinignan niya kami isa-isa, "Nagtitiwala ako sa inyo"
 

  May maliit na ngiti ang lumitaw sa labi niya bago siya biglang naglaho.
 

  "Simulan na natin" paninimula ni Miguel kaya nagsimula na rin kami, "Magus Enhancement"
 

  ARVIN'S POV
  Dinala ako ng anino ko sa lugar hindi kalayuan sa sentro ng East Ground.
 

  Hinawakan ko ang lupa, "Tellus" kasunod nito ang pagsira ng lupang tinatapakan ko at dahan-dahan kong pagbagsak.
 

  Para akong bumabagsak sa isang napakalawak na kweba.
 

  Marahan akong nakababa at hindi kalayuan, naramdaman ko ang presensya ni Bayron. Hindi naman kalayuan sa kanya, nanduon si Aliyah na nakakulong sa mistulang sphere. Nagtama ang mga tingin namin, at mula sa mga mata niya, kitang-kita ko ang mga nag-aalalang mga tingin niya.
 

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon