CHAPTER 15: The Battle Of The Two General (Part 3)

40 2 0
                                        


"Dahil may impostor sa loob ng Palasyo"

"A-anong sinasabi mo?" umataki ulit siya sa'kin pero this time halos pantayan niya ang lakas ng espada ko dahilan para halos hindi kami maghiwalay kahit nagpapalitan na kami ng ataki, "Bago kami makarating sa Abarca, nakalaban ko si Bayron habang nasa mission ako sa paghatid kay Peter"

Sa paglock ng mga espada namin, tumingin siya sa'kin ng seryoso, "I-Imposible dahil may mga Absaar na umataki sa Abarca nung mga araw na 'yon"

"Totoong Bayron at Absaar ang nakalaban ko, maging ang umataki sa Abarca. At ang isa pa, nang makaharap ko si Bayron bilang Peter Gaillard-- makalipas lang ng ilang araw, binalikan ako ni Bayron-- Ako bilang Karim Davila" hinawi ko ang espada ko pero nabablock niya ng walang kahirap-hirap ang mga ataki ko.

"Nabanggit ka ng Prinsipe--" putol niya sa'kin gamit ang muling paglock ng espada namin, "Kahit nabanggit ni Peter ang pangalang Karim Davila sa talumpati niya, imposibleng ako lang ang sugurin niya kung dalawa kami ni Vann na naghatid kay Peter sa Abarca"

May point siya...

"Walang idea si Bayron kung sino ang nakaharap niya nung araw na 'yon maliban sa idea na nagpapanggap ito na Peter Gaillard. Ang nakakaalam lang ng mission na pagpapalit namin ng anyo ni Peter ay ang mga Generals kabilang ang Hari at si Vann maging si Ms. Helen. Isa lang ang masasabi ko Miguel, may impostor sa loob ng Palasyo"

Tinulak ko siya palayo at hinayaan niya naman ako at umataki ako, "Hindi kayang kontrolin ni Bayron ang isang buhay, Arvin"

Hindi nagbago ang expression niya at patuloy na nagpapalitan lang kami ng ataki, "Alam ko. Kaya aalamin ko kung paano niya nagagamit ang mga kakampi natin laban sa atin"

Sa huling pagtama ng espada namin, nagtama ang tingin namin sa paghiwalay namin sa isat-isa. "Anong gusto mong mangyari?"

"May gusto akong imbistigahan na lugar na hindi ako mahahalata ni Bayron. At wala akong mapagkakatiwalaan sa pagprotekta ng Abarca maliban sa inyong dalawa ni Karim" hindi ko napigilan na hindi mangiti at umataki ulit ako sa kanya, "Ikaw ang Captain ng mga General. Bakit mo ipapasa ang mabigat na trabaho sa isang paslit?"

"Nagtitiwala ako na poprotektahan mo siya-- kabilang ang Abarca" salitang hindi ko inaasahan at wala akong makitang kasinungalingan sa mga mata niya.

"Nabanggit ni Peter na inataki ni Bayron ang kampo niya sa Vidre, ang lugar ng mga Clairvoyant. Gusto kong imbistigahan ang disappearance ng mga Clairvoyant. Alam kong may connection ang lahat ng nangyayari kay Bayron" dugtong niya.

"Anong magagawa mo bilang isang estudyante?" tanong ko pa at napaatras siya ng kaunti sa pagblock ng espada ko, "Tatapusin ko ang recruitment. Ikaw ang bahalang magbukas ng case tungkol sa nangyari. At alam mo na ang susunod mong kailangang gawin"

"Isang S-Ranked Mission ang gusto mong buksan. At alam mong D at C-Ranked lang ang bukas na mga mission para sa mga estudyante"

Tumango siya at hindi nawala ang seryosong tingin niya, "Kaya kausap kita ngayon. Alam kong matutulungan mo ako"

"Bakit hindi ka bumalik sa katawan mo at gawin mo ang trabaho mo bilang totoong Arvin Boreanaz?"

Pagkaataki niya sa'kin ng spear niya, nagtamo ako ng maraming sugat dahil sa bilis ng ataki niya, "Kung ako bilang si Arvin Boreanaz ang mismong pupunta ng Vidre-- malalagay sa peligro ang Abarca. Tatayo bilang Arvin Boreanaz si Karim sa Abarca at ikaw ang mag-aassist sa kanya. At kung kinakailangan, babalik ako sa Abarca. Hanggat nanduon si Karim, may communication ako sa Abarca gamit ang isang skill. Makakapagbalik-balik ako sa Abarca, pero naniniwala akong hindi aabot sa punto na 'yon"

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon