"Sa oras na 'to, binabawi ko na si Vann mula sa walang kwentang section niyo. Naiintindihan mo ba?"
Ngumiti siya na lalong kinainis ko, "Hindi naman namin siya kailangan. Hindi mo na kailangang magmakaawa na ibalik namin siya sa'yo, dahil kahit hindi mo sabihin.... kailanman hinding-hindi mabubuhay ang isang isda sa lupa"
Tumayo sila na parang alang nangyari. Duon ko napansin na unti-unting naghihilom ang sugat nila. Mula sa mga damo, napakaraming A student ang lumitaw.
I-isa sa mga ito ang healer..
Mula sa itaas nila, nagsimulang nagsilitawan ang ibat-ibang klase ng Mahika na alam kong para sa akin.
"Ipagdasal mo nalang na sana makarating sa tamang oras ang mga medic, kung hindi-- baka dito na magtapos ang mga pangarap mo"
Mabilis na nagsiliparan sa'kin ang mga Mahika, sa sobrang takot, wala akong nagawa kung hindi ang mapapikit nalang hanggang sa narinig ko ang boses ni Vann, "Aster (Ring) "
Sa isang iglap, naglaho ang mga Mahika kasunod ng paglaho ng barrier. Sa pagbagsak ni Vann sa mga braso ko, siyang pagyakap ko sa kanya ng mahigpit.
"Ahha~ lumabas din ang tunay mong ugali, Vann?" sabi pa ng President ng A pero hindi na magawang makapagsalita ni Vann dahil sa mga sugat niya at dahil sa panghihina niya.
"Nagsayang ka lang ng lakas" sa pangalawang pagkakataon, sa tingin ko mas tumiriple ang lakas ng mga Mahika nila compared kanina.
Naramdaman ko ang pagyakap sa'kin ni Vann, "Magiging okay lang ang lahat..." mahinang sabi niya at napatango ako kasunod ng pagtulo ng luha ko.
"As if namang may magagawa pa kayo"
"Magus Enhancement.... Forge" boses ni Karim hindi kalayuan.
Sa pagdilat ng mga mata ko, nasa harap na namin sila ni Leerin. "Oh, another failure"
"Ang main objective lang ng round na 'to ay maihatid na ligtas ang mga magic bubbles" at biglang tumalim ang tingin ni Karim na hindi ko inaasahan, "Sino ang totoong failure sa oras na pumutok ang mga bagay na nasa likuran niyo?"
Sabay-sabay naming nilingon ang mga nasa likod na magic bubbles nila na may nakaambang mga dagger. "Karim Davila"
"May problema ba, Ms. President?" walang kaemo-emosyong sagot ni Karim.
"Masyado ka bang duwag para harapin kami ng totoo?"
At ngayon ko lang nakita ang nakakatakot na mga tingin ni Karim, "Bakit, masyado ka rin bang takot na dito magtapos ang mga pangarap mo?"
Ang halos walang kaemo-emosyong tono ni Karim ang lalong nagpapabigat ng atmosphere.
Sinira kaagad ni Karim ang katahimikan sa paligid,
"Madali lang naman akong kausap" sa pagpitik ng daliri niya, siyang pagkalaho ng mga dagger na naka amba sa mga magic bubbles, at sa pangalawang beses ng pagpitik ng kamay niya, siyang paglitaw ng same Magic ng mga A sa itaas niya, m-mas malakas ng apat--hindi, walong beses ang Mahika niya compared sa mga Mahika ng mga A.
P-paano?!? Paano niya nagagawang steady ang Mana Control niya ng walang kahirap-hirap?
Napaatras ang mga A. Naglaho ang mga Mahika sa itaas nila, "Hindi pa tayo tapos!" sigaw ng President habang tumatakbo sila palayo.
"Kayo lang naman ang hindi tumatapos" bulong ni Karim at naglaho na ang Mahika sa itaas.
"Late ka.... Karim" nanghihinang sabi ni Vann pagkaupo niya.
BINABASA MO ANG
Switched
FantasiDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...