KARIM'S POV
Sunod-sunod na mga pagsabog ang narinig namin sa buong paligid, at matitinding pagyanig ng lupa na naging dahilan pa ng pagkasira ng mga lupain at mga ilang gusali na akala mo ay katapusan na ng mundo sa lakas nito. Matapos nito, naging tahimik ang lahat dahil sa takot haggang sa lumala ang pakiramdam na 'to.
Ang dumadaming bilang ng mga tao sa labas ng barrier.... mga Absaar!
"Anong balita kay Kuya?" nilingon ko ang Prinsipe kasabay ng pagtuon ko ng attention kay Sunnivah, pero nabigla ako sa unang nakita ko dahil nakahandusay siya sa lapag habang nakapatong ang ulo niya sa binti ni Aliyah na umiiyak.
"Karim. Anong nangyari sa kapatid ko...?!" at mukhang nabasa kaagad ng Prinsipe ang expression ko.
"M-Ms. Aliyah? Ms. Aliyah, naririnig mo ba ako?" tanong ko gamit si Sunnivah na konektado ngayon maging sa Prinsipe.
Pinunasan niya ang luha niya, "Hm. Naririnig kita"
"Anong nangyari kay Arvin?"
"N-Natalo niya si Bayron....." nanginginig ang boses niya na parang ayaw niya na magsalita kasunod ng pagyakap niya ng mahigpit sa katawan ni Arvin. Duon napansin namin ang pagbagsak ng kanang kamay niya na mistulang nabalian siya.
"A-Ate Aliyah.... B-Buhay ang kapatid ko.. hindi ba?" nilingon ko ang Prinsipe at duon ko nakita ang pagluluha ng mga mata niya.
"Hm. Naniniwala akong babalik siya"
"Nagtitiwala kami" at pinatong ni Miguel ang kamay niya sa balikat ko, "Larar (Plunderer)" at duon, nararamdaman ko ang pagkalaho ng Mahika ni Sunnivah sa katawan ko na nagputol ng connection.
"Sa ngayon, makikinig muna kayo sa command ko. Priority natin ang mga tao ngayon, lalo na ngayon at wala na ang crest na magpoprotekta sa kanila at sa inyo. Mula dito sa loob ng barrier, aataki tayo sa labas. Hanggat maaari, h'wag mawawala ang focus niyo sa barrier na ginawa niyo. Dahil kung hindi, hihina ito. Naiintindihan niyo ba ako?"
At tumango kami.
"Mr. Adalwen" umikot si Miguel para lingunin ang mga Class President ng bawat sections at bawat year. "Tutulong din po kami"
"Hindi naman pwedeng sila Celia lang ang kumilos" nakangiting sabi ni Eugene..
"Sa mga oras na ganito, hindi naman masamang magtulong-tulong ang lahat ng mga taga East Ground para protektahan ang lugar na 'to" sabi pa ng President ng A.
"Heh, may puso ka rin pala..." murmured ni Celia at napaiwas naman ng tingin ang President ng A.
"Isa lang naman ang kalaban natin..... hindi tayo ang dapat na naglalaban"
"Patay na si Bayron. At mukhang ito ang huling Mahika niya. 17 thousands ang bilang ng mga Absaar, alam kong hindi rito magtatapos ang mga pangarap niyo" at sa unang pagkakataon nakita ko ang totoong ngiti ni Miguel.
At sumang-ayon kaming lahat.
Sabay-sabay kaming nalingon sa barrier na pilit na winawasak ng isang Absaar gamit ang sarili niyang Mahika.
Hindi ito normal na Absaar.
"Esriel Emlin (Tears of Devils)" sabay naming sabi ni Celia at mas dumoble ang bigat ng mga bagsak ng ulan sa labas ng barrier, "Tarusa (Conqueror)" sabay ding sabi namin ni Leerin at mas tumalim ang mga matatalim na yelong bumabagsak.
BINABASA MO ANG
Switched
FantasiDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...