KARIM'S POV
Lahat alerto, nagtipon-tipon ang lahat ng tao ng East Ground sa pinakasentro ng lugar. Kahit napakatahimik ng paligid na animoy walang laban na nagaganap, hindi parin mawala ang takot sa mga taong nandirito.
"Magiging sapat ba ang barrier natin para maprotektahan ang napakaraming taong nandito?" tanong ni Vann habang pinagmamasdan niya ng maigi ang barrier na ginawa naming apat.
"Ito na ata ang pinakamatatag na barrier na nalikha ngayon sa buong mundo" napalingon kami ni Vann kay Miguel na nasa likuran namin kasama ang Prinsipe.
"Anong inutos mo kila Celia at Leerin?" tanong pa ni Vann na may bahid ng pag-aalala.
"H'wag kang mag-alala, hindi naman ako nagbibigay ng mabigat na trabaho sa mga babae. Kailangan ko lang masiguro na kompleto ang mga taong nandito kaya pinapunta ko sila kay Ms. Helen para hingin ang mga list ng mga taong nakatira dito"
"Hindi ba't may list naman na hawak ang Abarca?" tanong ko naman at nabaling sa akin ang mga tingin niya.
"Dahil sa sunod-sunod na nangyari, hindi naging updated ang list na nasa Abarca"
"Mr. Adalwen" pagtawag ni Leerin na papalapit kasama si Celia at may hawak silang mga papel, "Kompleto ang mga taong nandito" dugtong ni Celia.
"Kung ganuon..." napalingon ang Prinsipe sa labas ng barrier atsaka nagpatuloy, "Tatlong tao lang ang nasa labas ngayon ng barrier"
Pagkasabi na pagkasabi niyang 'yon, nabalot ng ingay ang buong paligid dahil sa tindi ng init na naramdaman namin sa dibdib namin.
Nang silipin ko ang crest, unti-unti itong naglalaho na parang nasusunog ito habang walang iniiwang marka.
Kasunod ng paglaho nito ang matinding pagyanig ng buong paligid. N-Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kalakas na Mahika.
"Karim, alam kong marami ka ng nagamit na Mahika para sa barrier-- pero gusto kong malaman ang kalagayan ni Arvin at Aliyah" kalmadong pakiusap ni Miguel.
Nang maikalma ko na ang sarili ko, "Sunnivah" at ang unang bumulaga sa akin ay ang nakakatakot na anim na dragon na umiikot sa paligid ni Arvin.
Kakaiba ito compared sa naunang nakita naming dragon na ginamit niya nung nasa Vidre kami, dahil ito... Ito ang totoong anyo ng mga wyrm dragons.
Ito ang 6 Catastrophic Dragons...?
ARVIN'S POV
Halo-halong pakiramdam ang bumabalot sa akin ngayon, pero nangingibabaw ang pakiramdam ko na gusto ko ng tapusin ang laban na 'to.
"Tinanggal mo ang Mahika mo na nagpoprotekta sa napakaraming tao para lang maprotektahan ang sarili mo?" natatawang tanong ni Bayron.
"Para maprotektahan sila habangbuhay"
"Sa oras na mamatay ka dito, mapapasakamay ko na ang buhay mo at buhay ng kapatid mo"
Dahil sa sinabi niya, hindi ko napigilang hindi matawa, "Sorry pero nagkakamali ka. Kahit mamatay ako ngayon, may mga taong tiyak akong makakatalo sa'yo"
"Sinasabi mo bang may chance na mamatay ka ngayon?" huminto siya sandali bago nagsimula ulit, "Nasan na 'yung kilala kong Arvin Boreanaz na hindi hahayaang matalo sa isang laban at walang hahayang mamatay?"
"Hindi mo ako katulad na gustong maging immortal. At kung may rason man ako para maging isang immortal, iito ay para maprotektahan ang mga tao ng napakaraming dekada. Pero kung ang kapalit ng pagiging immortal ko ang buhay ng tatlong Clairvoyant, wala na rin akong rason para maging immortal. Kung mamamatay man ako, hindi dahil sa'yo at ang isa pa, hindi ko hahayaan na mamatay ako sa laban na 'to... " nilingon ko si Aliyah, "Tama na 'yung dalawang beses na hindi ko naprotektahan ang babaeng pinakamamahal ko"
BINABASA MO ANG
Switched
FantasíaDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...
