CHAPTER 32: THE FIRST MISSION

15 0 0
                                    


Matapos ng napakahabang katahimikan, parang nagyelo ang mga labi ko kahit na napakaraming katanungan ang nasa isip ko.

"Siya ang tumayong ina namin ni Peter nung mga panahon na mga alipin pa kami" dugtong pa ni Arvin.

"W-wala akong naaalala na nakilala kita nung bata ako. A-at hindi ko alam kung sinong ina at ama ko, kaya paano...." pinilit ko na magsalita kahit ayaw sumunod ng mga labi ko.

"Mind manipulation..." sagot ni Miguel at tumango si Arvin.

"Pero sino ang may kakayanan na gumawa nito sa napakaraming tao?" - Leerin.

"Si Ms. Helen, ang ina ni Ms. Madeline" salitang lalong nagpabigla sa amin.

FLASH BACK

"Hindi pa po ako nakakapagpasalamat sa mga ginawa niyo, Ms. Helen"

"Haha, ginawa ko lang ang nararapat"

"Pero kung hindi niyo po ako tinulungan, wala po ako sa position ko ngayon"

"At kung hindi mo naman kami tinulungan, hindi ganito kaganda ngayon ang lugar na 'to. Salamat, Arvin"

END OF FLASHBACK

Ito ba ang ibig niyang sabihin?

"Inalis ni Ms. Helen ang memorya ko sa inyo at sa maraming taong kilala ako. At binago ito ni Ms. Helen. Ginawa 'to ni Ms. Helen para mabitawan ko kayo sa East Ground, at protektahan mula sa Abarca"

Tumigil sandali si Arvin bago nagpatuloy.

"Matapos patayin ni Bayron ang mga magulang namin ni Peter, dinala kami nito sa Slave Trading Area o ang East Ground ngayon. Duon nakilala namin si Ms. Madeline habang matindi ang kapit sa kanya ng isang batang nasa walong taong gulang palang, at ikaw ang batang 'yon, Karim"

"Nagkasundo kaagad kayo ni Peter nung mga oras na 'yon kaya halos hindi narin kami mahiwalay sa inyo ni Ms. Madeline. At iyon ang naging dahilan kung bakit napamahal na rin sa akin si Ms. Madeline"

"Kung napamahal na siya sa'yo, bakit kami lang ang naprotektahan mo?" ang daming tanong na hinahanapan ko ng sagot, pero hinahayaan ko nalang na kusang gumalaw ang mga bibig ko.

"15 years old palang ako nuon, wala paring nabubuhay na Mahika sa katawan ko, maging sa katawan ni Peter dahil hindi kami sinanay ng mga magulang namin. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko rin naprotektahan ang totoong mga magulang namin at ito rin ang dahilan kung bakit nakaligtas si Peter kay Bayron, dahil kung maagang nagising ang Mahika ni Peter, paniguradong ako nalang ang natitirang buhay sa pamilya namin ngayon"

"Karim..." naramdaman ko ang maiinit na kamay ni Leerin sa braso ko na nagpakalma sa'kin.

"After 2 years ng pagiging slave namin, naulit ang trahedya na kinatatakutan ko" Pagpapatuloy ni Arvin.

FLASH BACK (Arvin's POV)

"Haha! Ang galing mo ring umarte, Clairvoyant. Kay tagal kitang hinahanap, nasa tabi ka lang pala" napalingon kami nila Karim at Peter kasama ang ilang bata na kalaro nilang dalawa kay Bayron na nasa harap ni Ms. Madeline.

Kaagad namang tumakbo papalapit sa kanya si Karim at mahigpit siyang niyakap.

"Anong kailangan mo kay Mama?!"

Nilingon siya ni Bayron pero dumampi ang napakabigat nitong palad kay Karim na tumilampon kinalaunan.

"Karim!!!" - Ms. Madeline.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon