CHAPTER 25: Vision

12 0 0
                                    

"Hindi ako naniniwalang coincidence ang mga nangyayari, Karim" si Arvin.

Nalingon kaming dalawa ni Miguel sa pinto sa biglang pagbukas nito, "Leo"

Napansin namin ang pagdapo ng tingin ni Leo sa libro na hawak ko.

"Ang list ng mga tao sa East Ground?" sinarado ni Leo ang pinto at lumapit siya sa'min.

"Nasaan si Aliyah?" tanong ni Miguel.

"Nasa kwarto niya. Mukhang napagod siya sa pagpapatrol namin"

Tinignan ko ang orasan at malapit na ang oras na kami naman ni Miguel ang magpapatrol.

"May nangyari ba? Bakit hawak niyo ang librong 'yan?"

"Kailangan namin ng mga full backgrounds ng mga nakapasa sa recruitment" kinuha ni Miguel sa kamay ko ang libro na kaagad niyang sinara at binalik sa malapit na lagayan ng mga libro.

"Captain, maghahanda na ako para sa pagpapatrol natin" pagbaling niya ng tingin sa'kin.

"Magkita nalang tayo" at naglakad na siya palabas ng kwarto.

"Pupuntahan ko muna si Aliyah. Kayo muna ang bahala dito sa Palasyo" tumango siya kaya nagsimula narin akong maglakad palabas. Pero habang papalabas ako, nararamdaman ko ang mga tingin ni Leo.

ARVIN'S POV

Binalik ko ang attention ko kila Marina at Roniel matapos ang pakikipag-usap ko kila Karim at Miguel. At duon nagtama ang tingin namin ni Roniel.

"Mamaya, eksaktong alas-dose ng madaling araw-- n-nakatakdang mamatay si Ate Marina. M-mababago niyo ba ang kapalaran niya?"

"Galing ba ang information na 'to sa lola niyo?" tanong ko at tumango si Roniel habang napaiwas naman ng tingin si Marina.

"P-pero kung isang Clairvoyant na ang nakakita nito.... may magagawa ba tayo?" dahil sa sinabi ni Celia, nagluha ang mga mata ni Roniel na halatang pinipigilan niya ang luha na pumatak mula rito.

Naramdaman ko naman ang mga tingin ni Vann, mukhang naalala niya ang nangyari kay Peter.

"May tanong lang ako. Sino ang papatay sa kanya at saang lugar?" tanong ko at napailing si Roniel.

"Walang nabanggit si Lola..."

"Kung malaman lang sana natin kung sino ang magtatangka sa buhay ni Marina, baka mapigilan natin ang pagkamatay niya" -Celia.

"May kilala ba kayo na may galit sa'yo?" tanong ni Leerin pero umiling ulit si Roniel.

"Matagal ng alam sa buong Endellion ang tungkol sa pagiging slave namin. Hindi rin nagtagal nakuha namin ang tiwala ng mga tao dito"

"Kaya naman, naniniwala kami na hindi taga-Endellion ang papatay sa'kin" dugtong ni Marina.

"Malalaman din natin kung sino siya" at nakuha ko ang attention nilang lahat, "Hintayin nalang natin ang oras na siya mismo ang lalapit sa'tin"

"Para mo na ring binigyan ng pagkakataon na maghanda ang taong papatay kay Marina" at ito nanaman ang matatalim na dila ni Celia.

"Hindi lang siya ang makakapaghanda, mapaghahandaan din natin ang pagdating niya. Hindi man natin siya kilala pero alam naman natin ang oras ng dating niya. Magagamit natin ang natitirang oras bago mag-alas-dose para makapagset ng mga traps para sa kanya"

At parang nabuhayan ng loob ang mga taong nandito dahil sa sinabi ko.

"May gusto rin akong subukan" dugtong ko.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon