CHAPTER 18: Team Battle (Part 1)

27 2 0
                                    

"Hindi niyo ba tatanungin kung sino ang bumuo ng Slave Trading Area?" boses ni Arvin na muli nanaman naming narinig. "Si Bayron Farquhar"

Hindi lang ako ang nabigla dahil mukhang pati si Miguel ay hindi inaasahan ang sumunod na sinabi ni Arvin.

"Karim, tara na?" rinig namin mula sa kabilang side na mahinang pagtawag ni Leerin kay Arvin.

Ilang minuto bago nawala ang katahimikan na namagitan sa'ming tatlo. "Maghanda narin tayo" sabi naman ni Miguel at wala akong nagawa kung hindi ang tumango nalang.

Habang naglalakad kami papunta sa area namin, sinusubukan kong alalahanin ang nakaraan na halos blurred na sa memories ko.

ARVIN'S POV

Matapos ng usap naming tatlo, sumunod na ako kila Leerin.

Inabot sa'min ang isang magic bubble na lumulutang lang sa tabi namin.

Kailangan lang maihatid namin ang bula na 'to sa kabilang side ng hindi pumuputok. Madali pakinggan pero napakahirap gawin, lalo na si Aliyah ang maghahanda ng mga patibong para sa'min.

Nilingon ko sa likuran namin ang isang gubat. Ito ang kailangan naming lampasan, at ang gubat na 'to ay nasa kamay ngayon ni Aliyah.

Kung siya ang impostor, magte-take advantage siya sa barrier na gawa ni Leo para mapatay ang napakaraming estudyante na nasa loob nito. At kung si Leo ang impostor, chance niya 'to para mapatay kami.

Pero kung gagawin nga nila 'yon, hindi ko malalaman ang objectives ni Bayron.

Sa sobrang lalim kong mag-isip, medyo nabigla ako sa isang paputok na sign na simula na ang laban.

Sa labas ng gubat, nakahilera ang mga estudyante at sabay-sabay na kaming pumasok.

"Gaano ba kasensitive ang bula na 'to?" marahan na tinutusok-tusok ni Celia ang bula na namamagitan sa'min.

"Mas sensitive pa sa'yo" bulong naman ni Vann at kumunot nanaman ang nuo ni Celia.

"Excuse me?"

Huminto saglit si Vann at hinawi ang kamay niya papunta sa kabilang side niya, "Dadaan ka?" at nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Ehem-ehem" napalingon ako kay Leerin na same pace ko lang sa paglalakad.

Binuksan niya ang mapa na hawak niya. "1.6km ang distance na kailangan nating puntahan. But in 8 minutes magdidilim senyales na gabi na"

Designed ang activity na 'to para sa Emergency A and S-Ranked Missions.

Hindi ko inaakalang ako ang susubok sa sarili kong ginawang activity.

"Titigil din sa paglutang ang Magic Bubble na senyales na nagpapahinga ito" dugtong pa ni Leerin.

"Hmmm, sa madaling salita, nagrerepresent as noble ang bula na kailangan nating protektahan" as expected kay Vann.

"May nakakatanda ba kung ilang minuto na tayong naglalakad?" tanong naman ni Celia.

"3 minutes" confident na sagot ni Leerin na tama naman.

Hindi importante ang oras, mas importante na makalabas kami ng ligtas dito.

Nagpatuloy ang tahimik na paglalakad namin hanggang sa huminto ako at mukhang naramdaman din ni Vann at Leerin ang nararamdaman ko kinalaunan. Isa 'to sa mga traps ni Aliyah, ang Agimar (Sharp Leaves)

"Magus Enhancement" sabay-sabay naming sabing tatlo maliban kay Celia na mukhang may sariling mundo.

"Anong nangyayari-- anong nangyayari?" natataranta namang tanong ni Celia at kaagad pumunta si Vann sa harap niya.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon