CHAPTER 22: Execution of the Plan

19 2 0
                                    

KARIM'S POV

"Woa, cancelled na ang mga activities" hindi makapaniwalang sabi ni Celia pagkarinig namin ng announcement.

"Kailangan nalang nating hintayin ang resulta" sabi pa ni Vann na puno ng bandage ngayon dahil sa mga natamo niyang sugat dahil sa laban.

Tumango naman si Leerin bilang tugon kay Vann.

"Ano na kayang nangyayari?...." - Celia.

Napatingin naman ako sa paligid na napakaraming dismayadong estudyante dahil sa pagkakaudlot ng recruitment.

"Mas iniintindi pa nila ang recruitment. Hindi nila alam kung anong totoong nangyari sa labas ng barrier" bulong ko naman at mukhang narinig ito ni Celia.

"Hmm? Bakit ba mukhang high blood ka, Karim?"

"Wala. Wala"

"Huh? Bakit bigla nalang nagbabago ang mood mo. May dalaw ka ba?" pang-aasar niya pa at si Leerin ang nahiya para sa'kin "C-Celia...!"

Hanggang ngayon wala parin akong balita kung ano na ang nangyayari sa side nila Arvin. Okay lang ba ang lahat?


ARVIN'S POV

"A-Arvin..." sabay-sabay naming nilingon si Aliyah na nagsimula ng magkamalay.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" pangunguna ko.

Hinimas niya ang bandage na nasa ulo niya at marahan siyang umupo. "Anong nangyari?"

"Inataki tayo ni Bayron--" putol niya kay Miguel, "S-Si Bayron? K-kamusta ang mga bata? N-nasaan sila ngayon?"

"Bumalik na sila sa Orphanage. Sa mabuting palad walang nasaktan sa kanila" - Leo.

"Ang recruitment, anong plano mo, Arvin?"

"Naglabas na ako ng announcement na kanselado na ang lahat ng activities. Sorry kung hindi ko na hinintay ang paggising mo"

Umiwas siya ng tingin, "Naiintindihan ko..."

"Mabuti pang magpahinga ka nalang muna. Babalik tayo sa Abarca matapos ang dalawang oras"

Halatang hindi nila inaasahan ang sinabi ko, maliban kay Miguel na mukhang may idea na sa iniisip ko.

"Anong pinaplano mo, Arvin?" seryosong tanong ni Leo.

Umiwas ako ng tingin sa kanila at napatingin ako sa bintana na tanaw ang mga batang naglalaro sa labas, "Hindi ko gustong maging battlefield ang East Ground sa pangalawang pagkakataon"

"Pero paano kung nandito sa East Ground ang target ni Bayron?" - Leo.

"Malalagay lalo sa panganib ang mga bata" - Aliyah.

Napakamot naman ng ulo si Miguel, "Hindi sanay sa actual battle ang mga bata, Captain. At kung meron mang sanay harapin ang totoong laban, bilang na bilang lang"

May maliit na ngiti kong binalik sa kanila ang mga tingin ko, "Poprotektahan parin natin sila. Leo, sa ngayon sa ating apat, ikaw lang ang makakagawa ng barrier na poprotekta sa buong East Ground. Alam kong hindi pa bumabalik ang buong lakas mo, kung hindi mo pa kaya sa condition mo, naiintindihan ko"

Ngumiti siya, "H'wag kang mag-alala. Kanina pa bumalik ang buong lakas ko"

"May aayusin lang ako. Magkita-kita nalang ulit tayo" muli kong tinignan si Miguel at nagtama ang tingin namin bago ko sila tinalikuran.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon