CHPATER 26: The Assailant

18 0 0
                                    

"Ako ang target mo sa simula palang"

Napaupo ako sa sahig dahil sa kabang naramdaman ko.

"Mukhang hindi naman ako nahuli" sabi pa ni Karim at may lumitaw na spear sa kamay niya.

Gumalaw ng kaunti ang ulo ng kalaban, at walang duda na nakatingin siya sa spear ni Karim.

"Sino ka? Anong kasalanan ni Karim sa'yo?" tanong ni Celia na hanggang ngayon ay pinoprotektahan ako.

Bumalik ang mga tingin ng kalaban kay Karim.

"Pipi ka ba, huh?!" sigaw ni Celia na napipikon na sa mga nangyayari.

"Pilit niyang tinatago ang aura niya. Nakatakip din ang mukha niya. Hindi siya nagsasalita dahil ito ang paraan niya para maitago kung sino talaga siya. At ang isa pa, knife ang nasa kamay niya na hindi likha ng isang Mahika, kung hindi likha ng mortal. Hindi siya gagamit ng Mahika sa laban na 'to... " lumitaw ang pilyong ngiti ni Vann matapos ang paliwanag niya.

Hindi ko mapigilan ang takot na nararamdaman ko kahit na alam ko na malalakas ang mga taong magpoprotekta sa'kin-- sa'min ni Roniel.

"Pero sigurado ka ba na haharapin mo kami gamit lang ang knife na hawak mo?" tanong pa ni Vann.

"Malamang sa malamang, professional assassin ang nasa harap na'tin ngayon, Vann. H'wag mo siyang mamaliitin" paalala ni Karim.

Narinig namin ang maikli at mahinang pagtawa ng kalaban hanggang sa bigla nalang siyang naglaho at lumitaw nalang bigla sa harap ni Karim. Gamit ang spear, sinusubukang pigilan ni Karim ang knife ng kalaban.

"Celia, familiar ka ba sa symbol na nasa knife?" tanong ni Vann.

"Symbol?" mabilis na lumipat ang mga tingin namin ni Celia sa knife na hawak ng kalaban, kasunod ang pagpapalitan ng ataki nila ni Karim.

"Isang spell" sagot ko.

"Spell? Naiintindihan mo ang runes na nakasulat sa symbol?" tanong ni Vann.

"Familiar ako sa mga spells na ginagamit sa mga magic items. Pero hindi ako marunong magbasa ng mga runes"

"Magus Enhancement. Frid" sa pagdapo ng palad ni Karim sa tiyan ng kalaban siyang pagtagos ng mga matatalim na yelo sa likod nito.

Tinangka niya na sipain si Karim pero napangblock niya ang spear niya at ginamit naman itong chance ng kalaban para matulak ang sarili niya palayo kay Karim.

Hawak-hawak ang tiyan niyang balot ng dugo dahil sa sugat.

"Karim, h'wag mo siyang hahayaang makatakas--ugh!!!" paghawi niya palang ng knife na hawak niya, ang lakas ng binibigay nitong pwersa.

"S-so ito ang sagot mo..." nangingiti paring sabi ni Vann kahit na puro galos na siya dahil sa nangyari.

"Ikaw... Si Karim lang ang pinunta mo dito kaya h'wag kang mandamay ng ibang tao!! Sisirain mo ba ang lugar na 'to huh?!" dahil sa sinabi ni Celia napalingon ako sa mga pader na may mga bakas ng laban.

"Oy Celia, ipinagkakalulo mo ba ako?" tanong ni Karim na pinatong pa ang spear sa balikat niya pagkalingon kay Celia.

"Assassin ang nasa harap natin. Lahat ng makakatestigo sa krimen na gagawin niya, kailangan niya ring patayin..." sinubukang ngumiti ni Vann kahit balot na siya ng kaba.

"Kung ganuon, it's either na siya ang mamamatay o tayo. Hah, malupit ka rin ano. Alam mo ng madaming nananatili sa bahay na 'to tas ngayon mo pa naisipang umataki? Baliw ka ba?" - Celia.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon