ARVIN'S POV
Bago pa man magsimula sila Leerin sa laban, alam ko na agad na papasok din ako sa laban. 62% ang accuracy ni Vann. 44% ang kay Leerin at 41% naman kay Celia. Overall, 49% ang chance na makakuha sila ng 100 points.
Sa pagbitaw ni Vann ng huling arrow hindi na ako nagtaka na 76 points ang nakuha nila.
Tumayo na ako kasunod ang pagkaramdam ko ng hangin na nagmula sa likod ko. Mukhang sang-ayon sa akin ang hangin.
"Ayusin mo, Karim! Nakasalalay sa'yo ang kinabukasan ko" sabi ni Celia at nilingon naman siya ni Vann, "Wow ah, salamat sa 22 points"
"Hindi mabubuo ang 76 points kung wala ang 22 points ko, duh"
"At talagang proud ka pa ah?"
Huminto ako sa harap ni Leerin na nag-aalala nanaman. Ngumiti ako bago ko siya lampasan at pumunta na ako sa harap ng target na may ilang metro ang layo sa'kin.
Kinuha ko ang arrow ko at inayos ko ang angle ng bow ko. 24 divided by 4, equals 6. Hah.
Pagkabitaw ko ng arrow, katulad ng inaasahan ko, tinamaan ko ang 6 points.
"6 points para sa first arrow!" sigaw ng instructor.
"Ayusin mo, Karim!" sigaw ni Celia.
Kinuha ko ang arrow sa likod ko habang naglalakad ako papunta sa next target. Pagkatapak ko palang sa harap nito ay kaagad ko ng binitawan ang string.
"Another 6 points for the second arrow!"
Last two..
Katulad ng mga na una, same form and angel at same points.
Pagkarelease ko ng last arrow nangibabaw nalang bigla ang sigaw ni Celia sa likuran. "Good job, Karim!!!!"
Nilipat ko ang tingin ko kila Karim na nakatingin din sa'kin maging si Miguel na seryosong nakatingin sa'kin.
Hindi ko na pinatagal ang tingin sa kanila dahil katulad ng inaasahan ko, may ilang estudyante na eliminated para sa next round.
May next year pa sila....
"Karim, congrats...!" si Leerin na nasa tabi ko.
Ngumiti ako at tumango ako. "Maghanda na tayo para sa susunod na laban?"
Tumango rin naman siya. "Sa susunod na round, duon na maka-categorise kung anong rank ang team natin"
"H'wag kayong masyadong magpabigat, D-Ranked" bulong ni Vann at hindi na namin ikinabigla ang biglang pagsuntok ni Celia sa braso ni Vann, "Mukhang hindi mo pa alam?"
"Ang?" at may pilyong ngiti ang lumitaw sa labi ni Celia, "Officially C-Ranked student narin si Karim"
Napatingin sa'kin si Vann at Leerin ng may pagkabigla habang ako may pagtataka ko namang tinignan si Celia, "Hindi mabubuo ang team na 'to kung walang dalawang C-Ranked, kasama sa rules 'yon. Nag-iisip ka ba?" dugtong niya kay Vann.
Mukhang napansin ni Celia na pati ako nagtataka, "Wait, h'wag niyong sabihing hindi niyo binasa 'yung reward para sa S-Ranked Mission?"
Tinignan lang namin siya at napabuntong hininga siya. "Maghanda na nga tayo. Ayaw ko na magsalita"
KARIM'S POV
"Para sa susunod na laban, kailangan lang nilang maihatid ng hindi pumuputok ang isang magic bubble, 1.6 kilometers ang layo" sabi ni Leo habang binabasa niya ang nakasulat na schedule.
![](https://img.wattpad.com/cover/259093649-288-k787064.jpg)
BINABASA MO ANG
Switched
FantasíaDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...