"Ha... Hindi ko na kaya...." sabi ni Celia at kasunod nito ang tuluyang pagbagsak nilang apat sa lupa.
Nawalan sila ng malay....
"Nakakatakot ang bagong henerasyon" nilingon ko si Miguel na nakatingin sa apat habang papalapit sa akin.
Napangiti ako nang ibalik ko ang tingin ko sa apat. Ang laki ng improvement nilang apat.
"Arvin" parehas kaming nalingon ni Miguel kay Leo na naglalakad papalapit samin kasama si Peter.
"Gusto kang makausap ng Hari" dahil alam ko na kaagad ang gustong pag-usapan namin ng Hari, tumango ako kay Leo, "Kayo na muna ang bahala dito"
Sinabayan na ako sa paglalakad ni Peter papasok.
"Bakit hindi mo balak na tanggapin ang trono?" pagsira ni Peter sa katahimikan.
Nilingon ko siya pero seryoso siyang nakatingin sa dinadaanan namin.
"Dahil may mas mahalagang nakalaan para sa'kin"
"Narinig ko ang pag-uusap niyo ni Kuya Miguel. Bibitawan mo rin ang pwesto mo bilang Captain ng Generals?"
"Hm"
"Dahil sa mas mahalagang nakalaan para sa'yo?" sa pagkakataon na 'to, nilingon niya na ako. Nag-aalala siya kaya tumango kaagad ako, "Hm"
"May connection ba' to pagprotekta mo sa mga tao?"
May ngiti akong tumango, "Hm"
Panadaliang katahimikan bago kami nakarating sa kwarto ng Hari.
"Ako, hindi mo ba tatanungin kung anong goal ko ngayon?" biglang tanong niya kasunod ng paghawak niya sa doorknob.
Nagtama ang tingin namin pero may malaking ngiting lumitaw sa labi niya, "Ang maging katulad mo..." kasunod ng pagtulak niya pabukas ng pinto.
"Nandito na po kami, Ama" bungad niya papasok na parang wala siyang binitiwang salitang nakapagpalito sa akin.
Nilingon na ako ng Hari kaya wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok narin.
Umupo kami ni Peter sa sofa, habang pinaglapagan naman kami ng mainit na kape ng isa sa mga royal maid.
"Kamusta ang pag-eensayo mo sa mga bata, Arvin?"
"Malaki po ang improvement ng mga bata" inabot ko ang kape na inabot sa akin ni Peter na galing sa lamesa at tinikman ito.
"Bukas na rin ba kayo aalis dito sa Abarca para hanapin si Aliyah?"
Tumango ako, "Kaya na po naming hanapin si Aliyah gamit ang skill ni Karim"
Matapos humigop ng kape ng Hari, inilapag niya ito sa table katabi ng mga tasa namin. "Nahanap mo na ba ang sagot sa mga tanong mo, Arvin?"
Sa pagtama ng tingin namin, ramdam ko ang bigat ng aura na dala niya. Ganun pa man, ngumiti ako, "Hm, nahanap ko na po"
Hindi ko inaasahan ang mga ngiti niya nagpakalma sa akin. "Kung ganuon, mukhang matatagalan pa bago ako bumaba sa trono"
"3 years" parehas kaming napatingin ng Hari kay Peter na bigla nalang nagsalita sa tabi ko, "Magtiis nalang po kayo ng 3 years. Ako na po ang bahala sa lahat"
"3 years? After 2 years lang nasa tamang edad ka na para umupo sa trono" sabi naman ng Hari.
"Gusto ko pong mag-aral sa loob ng tatlong taon. Gusto ko pong maging isang Hari na katulad niyo na maging matalino sa pagdedesisyon--" at nilingon niya ako, "At maging katulad ni Kuya Arvin na kayang protektahan ang napakaraming tao"
BINABASA MO ANG
Switched
FantasíaDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...