CHAPTER 39: THE POWER OF THE TWO

16 0 0
                                    

ARVIN'S POV

Hanggat maaari, hindi ko gusto na maranasan ni Karim ang naranasan ko. Na makitang unti-unting naglalaho ang katawan ng mahal ko.

Salamat Leerin.

KARIM'S POV
Masakit man, pero tinulungan ako ni Arvin at Leerin para matanggap ang mga nangyari.

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti ako kay Leerin na naiiyak narin. Pinunasan ko naman ang luhang pumatak mula sa mata niya.

"Salamat"

Naramdaman ko ang palad ni Ms. Helen sa ulo ko, sa paglingon ko, ngumiti siya.

"Okay na po ako, Lola" mas pinalaki ko pa ang ngiti ko at ikinagaan ng pakiramdam ko ang mga ngiti niya.

"Leerin, Karim at ikaw Celia, makakagawa ba ulit kayo ng barrier? Hindi na tatagal ang barrier na 'to" sabi ni Miguel habang nakatingin sa barrier na puno na ng mga crack.

Kaya ba talaga naming pigilan ang 17 thousands na Absaar? "Kaya o hindi kaya, gagawin parin namin" at tumango si Leerin.

Marahan namang inilapag ni Celia ang ulo ni Vann sa lapag at tumayo narin siya.

"Zerita (Water Wall)" sabay na sabi namin ni Celia.

Humihina narin ang Mahika ko. "Tarusa (Conqueror)"  dugtong namin ni Leerin.

Muli kong itinaas ang kamay ko, "Aster (Ring). Ablendan (Black Hole)" Hindi ito original, hindi rin ako nakakatiyak kung ilang minuto ang itatagal nito."Nasa 14 thousands pa ang natitirang Absaar, pero halos maubos na ang mga Mana at Mahika ng mga bata...." at bigla napatingin si Miguel sa malayo at may nabuong ngiti sa labi niya.

"Babalik ako. Magpahinga na muna kayong apat. Lalo ka na, Vann" at bigla nalang siyang lumitaw siya sa labas ng barrier.

"Anong binabalak niya?" tanong ko para sa sarili ko pero hindi ko inaasahan na si Prinsipe Peter ang sasagot nito.

"Balak niyang tanggalin ang mga Absaar na malapit sa barrier"

"Ng mag-isa?" tanong ko pa.

"Hindi" walang pag-aalangan niyang sagot at bigla nalang lumitaw si Aliyah sa tabi ni Miguel.

"Si Arvin?" tanong ni Miguel, naririnig ko sila dahil kay Sunnivah."Babalik din siya" at kaagad humiwalay si Aliyah kay Miguel at nagsimula narin siyang umataki.

Kakaiba ang pag-ataki na ginagawa niya compared sa ataki ni Bayron nung kontrolado niya ang katawan niya. Habang umaataki siya ng malapitan, napakaraming petals ang naglalaro sa paligid niya na umaataki sa Absaar. Hindi lang ang mga petals, dahil may mga sanga na gumapang sa paanan niya na naglilibot sa kanya habang umaataki siya.

Napagsasabay niya ang mga skills niya. Ito ang totoong Aliyah Halifax. Ito and totoong abilidad ng nag-iisang babae miyembro ng Generals.

Binalik ko ang tingin ko kay Miguel, sa isang hawi lang ng espada niya, napapatay niya rin ang mga Absaar na nasa likod ng Absaar na nasa harapan niya.

Ito ang dalawa lang sa Generals na kinakatakutan ng marami.

Matapos lang ng ilang minuto, napatay nila ang mga Absaar na nagkalat malapit sa barrier.

"Nasa 11 thousands nalang ang Absaar na natitira sa labas..." hindi makapaniwalang sabi ni Leerin.

Sa muling pagbalik ni Aliyah at Miguel sa harap ng barrier, ramdam ko ang bigat ng mga aura nila.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon