Kabanata 37

150 3 10
                                    

"Bitawan mo nga ako." Singhal ni Mira kay Mike nang hawakan nito ang braso niya.

Nasa loob na sila ng restaurant habang kasunod nila ang waiter papunta sa kanilang mesa.

Sa kakulitan ni Mike ay hindi pa rin nito binibitawan ang pagkakahawak sa kaniya. Hindi naman na nakapulupot ang braso nito sa beywang niya pero todo hawak naman ito sa braso niya.

Naiinis na rin si Mira. Pakiramdam niya ay bata siya na kailangang bantayan. Pero para hindi masira ang bakasyon nila, pinili na lang niya na magtimpi sa inaakto ng lalaki.

Kahit na inis pa rin siya sa sinabi nito, pinagpasensyahan na lang niya.

Ipinaghila ni Mike si Mira ng upuan.

Before, Mira would find it sweet and thoughtful of Mike. But two years after their marriage, Mike stopped doing this little thing for Mira. Hindi na ginawang big deal pa ng babae ang simpleng paghila lang ng upuan para sa kaniya. She thought that maybe, nawawala rin ang ka-sweetan after the marriage. Nagkasanayan na lang sa isa't isa.

But tonight, when Mike did the same thing again for her - hindi maiwasan ni Mira na maalala ang nakaraan. How sweet and caring Mike was before their marriage and a year after it.

Plus factor kay Mike ang pagiging matalinong nilalang nito. Pero ang isang bagay na nagtulak kay Mira para pakasalan ang lalaki ay ang pagiging maalaga nito. Yes, she did not need any reason to marry Mike. Ang alam niya lang ay mahal niya ang lalaki. But these sweet side of Mike? Iyon ang nagkonpirma na ready na siyang pakasalan ang lalaki.

"Ahhh..." Kumunot ang noo ni Mira nang iumang ni Mike ang tinidor nito sa bibig niya.

"What? Are you trying to feed me?" Sarkastikong tugon naman ni Mira.

Nahihiwagaan siya sa kinikilos ng lalaki. Mike was being too sweet! Alam niyang hiwalay na sila ng lalaki at hindi na tama ang inaasal nito.

Mira shove the fork away bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Anong ginagawa mo?" Muling tanong ni Mira nang iumang muli ng lalaki ang tinidor sa bibig niya.

The cake is dripping with syrup. Looks tempting! But Mira, once again, shove it away.

Nainis na rin siya sa inaasal ng lalaki kaya hindi na niya napigilang tanungin ito.

Based from her experience with Mike, kapag sobrang sweet na nito ay alam niyang may kailangan ang lalaki. He was trying to woo her before asking for favors. Earning points before breaking the pot. 

"Ano kailangan mo?" Mataray na tanong niya kay Mike.

Agad na lumawak ang mata ni Mike saka inabot ang kamay niya. Sabi na nga ba. I shouldn't have asked him. Ano ka ba naman Mira. Sa isip ng babae.

"Well..." Mike cleared his throat. 

Binawi ni Mira ang kamay niyang hawak ni Mike saka siya humalukipkip sa lalaki. Naningkit ang mata niya rito. Her eyebrows even furrowed.

"I have a bad feeling about this." Turan ni Mira.

Pumalatak si Mike. "No. It's actually a good one." 

"Good one?..." Mira paused. "You thought of something para kay Mandy?" Lumatay ang sakit sa puso ni Mira. Ewan ba niya. Siya na mismo ang nananakit sa sarili niya.

"Yes!" Mike exclaimed. It was unusual for the man to exclaim. Ahhh. Okay. For a moment nablanko ang isip ni Mira. She pursed her lips and mustered another lump of courage.

"That's good." Tipid niyang sagot.

"It really is!" Malaking-malaki ang ngiti ng lalaki. It pained her but she's assured. At least Mike can be happy again.  Maybe if they're okay, then I would be. At least he's happy. I must find my own happiness then. Iyon ang laman ng isip ng babae.

"Anong idea naman 'yan?" Usisa ni Mira. She does not want to sound uninterested. 

"I'm thinking of staging an act." Tugon ni Mike.

"An act?" Naguguluhang tanong ni Mira.

"I'm thinking of staging a car accident of some sort. Basta ang kailangan lang ako ang defendant. Then, I'll have to go ask her to defend me before the court." Mukhang amused na amused pa si Mike sa sinasabi nito.

Mira's face is in a state of confusion. Hindi niya maintindihan kung bakit sumobra naman yata sa idea ang proposal ng lalaki.

"Then bago ako ikulong I'll go ask her to marry me instead. And finally when she says yes, I'll tell her it's all an act."

Napakamot ng ulo si Mira. 

"What do you think about my idea?"

"I don't think it's possible." Aniya ng babae.

"Why not?" Sagot naman ni Mike.

"Nababaliw ka na ba? Naisip mo ba kung ilang tao pa ang aabalahin mo for your so-called 'act?' You cannot toy the law. Ang labo mo talaga." Komento ni Mira.

She gobbled down a whole glass of water.

"Alam mo Mike, you can propose to her in the simplest way but still making it special. All you need is yourself and Mandy. 'Di na kailangang umabala ka pa ng maraming tao to make your proposal one of a kind. All you need is to bend down your knees, ask the question, and kiss her." Mahabang paliwanang ni Mira.

"Right." Pumalatak si Mike saka inabot ang kamay ni Mira. "Thank you Mira. You're a big help." Turan ng lalaki.

Binawi ni Mira ang kamay niya saka tipid na ngumiti sa lalaki. 

"No need to thank me." Tugon ni Mira saka kinuha ang gamit niya bago tumayo at umalis mag-isa sa restaurant na iyon.

Sh*t. 

"Mira, what are you thinking?" Bulong niya sa kaniyang sarili habang naglalakad palabas sa restaurant na iyon.

She heard Mike calling her name pero hindi na niya ito nilingon pa. She's afraid. Baka kapag lumingon siya rito ay maunahan ang kaniyang mga luha sa pagtulo. She's afraid na baka hindi niya pakawalan ang lalaki. 

With shaking knees, she ran.

Hindi na namalayan ni Mira na napunta na siya sa madilim na bahagi ng resort. She could still see the lights from the restaurants and stalls from afar.

Her eyes become blurry with tears.

"Sh*t. Don't cry Mira." She hushed herself. 

Naupo siya sa ibabaw ng isang bato. Naabot ng alon ang kaniyang mga paa. The cold breeze and the dim moon felt like they were sympathizing with Mira. She removed her slippers and felt the sand under her feet. 

Pinunasan niya ang kaniyang luha. She stayed there for an hour, thinking and feeling.

Mira, get a hold of yourself. Fight the feeling. You know there's nothing to turn back to. You ended it with him. Huwag mo nang pagsisihan pa. It's over Mira. Kausap niya sa sarili.

Kung sana... Kung sana ipinaglaban ko siya dati pa. Kung sana hindi ko siya hinayaan sa iba, then I wouldn't be here in this sh*tty situation. But it's too late to regret, Mira. You're too late.


VOTE.

COMMENT.

SHARE.

Hi guys! Sorry na agad sa sobrang late na update. Pardon the typo, I tried finishing it the soonest I can. And so many things happened. I'll try to update regularly. Thank you for your comments, I really really appreciate them. Love lots!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon