"Ate Mira!"
Napakurap si Mira sa kapatid na si Marie nang yugyugin nito ang balikat niya.
"Bakit ba?" Inis na tanong ni Mira.
Marie sheepishly smiled at her ate bago nito himashimasin ang braso ng ate niya.
"Tigilan mo 'ko Marie. Alam ko na 'yan." Banta ni Mira sa kapatid.
Lumukot naman ang mukha ni Marie bago magkrus ang mga braso nito.
"Ate naman eh! Minsan lang naman 'to please. Babayaran naman kita." Muryot na sagot ni Marie.
Mira smirked. Sabi na nga ba at may kalokohan ang kapatid kong 'to.
"Hindi pwede." Madiin na tugon ni Mira kay Marie.
"Eh Ate Mira naman! Please, please, please. Sige na please." Kumbinsi ni Marie sa ate niya.
Napairap sa hangin si Mira.
"Ano muna ang gagawin mo kapag pinautang kita?" Si Mira.
Kumislap naman ang mata ni Marie sa tinuran ng ate niya.
"Nag-aaya mga friends ko sa Bora, one week daw kami. Eh kaso kulang savings ko, kaya please Ate Mira pahiramin mo na ko." Inabot pa ni Marie ang kamay ng ate niya.
Napabuga ng hangin si Mira at inalis ang pagkakahawak ng kapatid sa kaniya.
"No." Tugon niya rito.
"What no Ate!? Akala ko ba papahiramin mo ko?" Hysterical na sabi ni Marie.
"What? Wala naman akong sinabi na papahiramin kita. Tinanong lang kita kung anong gagawin mo sa pera." Mira smiled inwardly na lalong nagpalukot sa mukha ng kapatid.
"Ate naman eh! Minsan lang naman 'to." Humaba pa ang nguso ni Marie na halatang nagpapaawa sa ate. "Kung may savings ako hindi naman kita hihiraman." Dagdag pa niya.
"'Yun na nga eh. Wala kang savings kaya 'wag kang magbakasyon." Mira tried to reason out.
"Eh! Ate minsan lang naman 'to. Saka ikaw lang ang pwede kong hiraman." Maktol ni Marie.
"And I said no." Si Mira.
Hindi lubos maisip ni Mira kung paano mag-isip at umakto ang kapatid.
"Gusto ko lang naman makalimot." Pabulong na turan ni Marie, pero hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Mira.
Hinarap niya ang kapatid.
"Anong makalimot ka diyan?" Si Mira.
Ngumuso si Marie bago inabot ang kamay ng ate niya.
"Break na kami ng jowa ko." Ani nito bago nag-hysterical na iyak.
Hindi alam ni Mira kung matatawa ba siya o maaawa sa kapatid. Mukhang peke naman ang iyak nito, pero sa kabilang banda, baka nga totoong nasaktan ang kapatid niya.
"Tumigil ka na nga Marie." Saway ni Mira nang pati ang laylayan ng blouse niya ay gamiting pamunas ni Marie ng luha nito.
"Ate Mira naman kasi! Help me please. Ito lang 'yung way na alam ko para makalimutan ko siya." Si Marie. Nakatingin ito nang mataman kay Mira habang may bahid ng luha sa mukha nito.
And Mira felt something thug her heart. She annulled her husband, ngayon naman ang kapatid niya ang may problema sa buhay pag-ibig nito.
Ayst. Do not be a softie Mira. Paalala niya sa sarili. Pero, alam mo kung ano ang pakiramdam ng masaktan, you should help. Ani naman ng konsensya niya.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
De TodoMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...