Kabanata 34

197 7 4
                                    

Malakas ang tambol ng dibdib ni Mira habang papasok sa isang hindi pamilyar na lugar. Magulong-magulo ang isip niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. 

Hindi niya alam kung bakit ba siya nandirito sa lugar na ito.

Bago pa man siya mapunta rito ay sang tawag sa cellphone niya ang gumising sa kaniya mula sa pagkakahimbing. Malalim na ang gabi kaya hindi niya inaasahan ang tawag na iyon. But the time did not stop her from speeding her way to get here.

Mula sa bukana ng establishment ay sinalubong kaagad siya ng isang lalaking naka-uniporme. Nagtaas-baba ang mata siya sa kabuoan ng lugar. 

Anong ginagawa niya rito? Hayst...

"Ma'am Mira Cuevas?" Ani ng lalaking sumalubong sa kaniya.

May kung anong kiliti sa dibdib ni Mira nang tawagin siya ng lalaki sa apelyidong tatlong taon din niyang dinala. Mas lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib niya.

"Yes." She replied almost out of breath.

Iginiya siya ng lalaki papasok sa magarang establisyimento. Pagpasok niya sinalubong siya ng mataas at magarang ceiling. Mula doon ay kumikisap ang isang magarang chandelier na gawa sa kristal.

Habang bibabaybay ni Mira ang mahababg pasilyo, hindi niya maiwasang mahiya sa kalagayan niya ngayon. Kung ang mga nakakasalubong niya ay posturang-postura sa suot nilang dress, siya naman ay mukhang pinagkaitan ng oras upang gumayak.

Nakasuot siya ng pantalon at blouse. Mukha naman siyang desente ngunit bagsak siya kung itatabi sa mga babaeng nakakasalubong niya.

A soft sound from the violin across the room somehow calmed Mira. But when she entered a more private suite, a strong scent assaulted her nose.

Kaagad siyang napatakip sa ilong dahil sa sama ng amoy ng alak at suka. Ang sakit sa ulo ng amoy ng pinaghalong alak at suka. She instantly frowned.

Lalong nalukot ang mukha niya nang makita ang lalaking nakahandusay sa lapag. May katabi itong crew ng bar at pilit sinusuportahan sa pagtayo ang lalaki.

"Anong nangyari dito?" Obvious na tanong ni Mira saka nilapitan ang lalaki.

Nakatakip pa rin siya sa ilong. Pakiramdam niya ay nasusuka rin siya nang makita ang nagkalat na suka sa damit at paligid ng lalaki.

"Hindi na po gumigising si Sir. Ma'am ikaw lang po ang nasa speed dial niya." Sagot naman ng crew.

Napabuga na lang siya ng hangin at napahilamos.

Inalalayan ng dalawang crew si Mike patayo para maihatid sa sasakyan ni Mira. Binayaran na rin niya ang bill ng dating asawa. Hindi pa makapaniwala si Mira na nakagastos ng halos sampung libo ang lalaki dahil lamang sa pag-iinom nito ng alak.

"Thank you." Aniya nang maisakay ng dalawang crew si Mike sa backseat ng kotse niya.

Mira sped her way out of that high-end bar. Mula nang makarating siya sa bar na iyon hanggang sa makaalis siya, binubulabog pa rin siya ng isipan. Hanggang sa makarating na lang siya shop niya ay iniisip pa rin niya kung bakit siya ang tinawagan ng bar, kung bakit siya ang nasa speed dial ni Mike.

Pinilit alalayan ni Mira si Mike. Hindi niya mabilang kung ilang beses niyang nabitawan si Mike at bumagsak ang katawan niyi sa sahig. Pero imbes na mag-alala para sa lalaki ay natatawa na lang si Mira.

"Huh! Bayad mo 'yan sa'kin. Inabala mo pa ko." Mira hissed under her breath.

Pawis na pawis na si Mira nang maihiga niya si Mike sa kama. Hinubad niya ang suot nitong sapatos pati ang medyas nito.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon