Kabanata 10

149 4 0
                                    

"Uh, kukuhanin ko lang 'yung gamit ko." Bungad ko kay Mike nang makita ko siya sa loob ng study room habang nagbabasa.

Hindi niya ako pinansin. Kinuha ko ang laptop ko pati ang charger nito na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ko. Dahan-dahan naman akong lumabas sa study room at bumaba sa sala.

"Ate Mira! Thank you talaga!" Yinakap pa ako ni Inday.

"Inday lumayo-layo ka nga riyan kay Mira." Naiinis na sabi ni Manang Linda sa pamangkin niya.

"Eh, basta ate thanks!" Sagot nito tsaka tinangay na ang laptop ko't charger papunta sa kwarto nila ni Manang Linda.

Pinahiram ko kasi siya ng laptop ko dahil may gagawin daw siyang project sa school at research na rin. Kaya hayun todo pasalamat ang Inday sa akin.

"Pagpasensyahan mo na si Inday Hija." Turan ni Manang Linda.

"Hay, ayos lang po 'yun." Sagot ko tsaka binalingan na ang pinapanuod ko.

"Mira, nga pala anong oras na bang dumating 'yang asawa mo kagabi? Nagtatahulan 'yung mga aso sa kapitbahay kaya nagising ako." Si Manang.

"Hindi ko na rin alam Manang. Baka tulog na tulog na po ako noon." Sagot ko at tsaka nag-iwas ng tingin.

Actually ay bandang alas tres y medya na yata ng madaling araw dumating si Mike. Naramdaman ko na lang ang paghiga niya sa tabi ko kaya nagising ako nang bahagya.

Ilang linggo na ba kaming walang imikan ni Mike? Noong nakaraang buwan pa siya ganyan. Hindi ko rin naman siya makausap dahil busy siya. Tapos ewan ko ba, pakiramdam ko ang awkward kung kakausapin ko siya. Basta parang nagkaroon na lang ng linya sa pagitan namin may extra karatula pa na nagsasabing 'No Talking.' Kaya naman hindi na talaga kami nakakapag-usap.

"Hija, uminom ka na ba ng vitamins mo?" Mayamaya ay tanong ni Manang.

"Ay oo nga pala Manang." Dumiretso ako sa kusina at sumunod naman si Manang.

Habang kinukuha ko ang vitamins ko, si Manang naman ang kumuha ng tubig para sa akin.

Simula nang malaman ni Mama Jennifer ang kondisyon ko, palagi na siyang nagpapadala ng nga vitamins sa akin or supplements kahit hindi pa kami nakakakuha ng second opinion.

Simula rin noon panay ang text nito na alagaan ko raw ang sarili ko, ganyan. Matutuwa na sana ako sa pag-aalala ni Mama kaya lang hindi pa rin natigil ang pagiging matabil nito. She was texting me and reminding me na alagaan ko ang sarili ko dahil hindi lang ako ang nagmamay-ari nito. Nakasalalay daw sa akin ang magiging anak ni Mike at apo niya. Wala raw akong karapatan na pabayaan ang sarili ko.

She sounded sweet and caring sa una pero lumabas din ang intensyon niya, na parang instrumento lang ako para magluwal sa anak ni Mike, sa apo niya.

Napapairap na lang ako kapag naaalala ko. My Mother-in-law wants me to get pregnant, eh ni wala na ngang nangyayari sa amin ni Mike. We just turned cold I guess?

"Hija, hatiran mo kaya ng kape 'yung asawa mo sa study? Kanina pa 'yun hindi lumabas doon." Turan ni Manang.

"Sige po." Tipid na sagot ko.

Ito nalang naman ang pwede kong gawin para kay Mike, taga-hatid ng kape niya. Nagtimpla si Manang ng kape, ako naman ang naghatid sa taas.

Dahan-dahan kong pinihit ang sedura ng pinto. Nang makapasok ako ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Pero sandali lang iyon dahil binalingan niya na kaagad ng tingin ang binabasa niya.

"Coffee." Dahan-dahan ko itong ibinaba sa lamesa niya, iniingatan kong huwag matapunan ang mga binabasa niya.

"Sh*t!" Mike screamed at me nang matapon ko ang kape sa mga binabasa niya nang biglaang tumunog ang cellphone niya.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon