"Hijo! Ano ba'ng nangyari sa'yo!?" Hysterical na tanong ni Mama Celia pagkapasok niya sa pintuan ng bahay namin.
Nasa sala si Mike at nanunuod ng T.V. Pagkapasok kasi sa bahay namin, mabubungaran na ang sala. Kaya hayan, pagkapasok pa lamang ni Mama sa pinto ay naghi-hysterical na ito nang makita ang asawa ko.
Dali-daling inabot ni Mama ang dala-dala niyang gamit kay Manang Linda tsaka pinuntahan si Mike. Magkatabi kaming nanunuod ng news ni Mike kaya napapaamang na lang ako sa kinikilos ni Mama.
"Ma, good afternoon po." Nagmano si Mike sa Nanay ko.
Agad naman itong yinakap ni Mama nang walang alintana. Nanlaki na lang ang mata ko sa ginawa niya.
"Ma! Naiipit 'yung kamay ni Mike!" Singhal ko sa aking Ina saka inilayo ito sa asawa ko.
Bumaling naman si Mama sa'kin na galit ang itsura.
"Ma, bakit?" Nagtatakang tanong ko.
Hinapas-hampas naman ako nito sa braso.
"Ma, ano ba!? Masakit!" Sinalag ko ang paghampas ni Mama sa akin.
"Ikaw Mira, hindi kita pinayagang mapangasawa si Mike kung ganito lang ang mangyayari!" Sikmat ni Mama sa'kin habang patuloy pa rin ang paghampas niya sa braso ko.
"Ma, masakit! Ouch!" Sigaw ko.
"Masasaktan ka talagang bata ka! Ni hindi mo inaalagaan ang asawa mo!" Sigaw nito pabalik.
"Ma, 'di ko naman kasalanan kung bakit siya naaksidente eh." Asik ko.
"Ahh nagrarason ka pa! Kung hindi ka nag-inarte e'di sana hindi naaksidente 'yang asawa mo!" Sikmat naman ni Mama sa akin.
"Ma ako ba 'yung nag-drive!? Hindi naman ah!" Sigaw ko ulit.
"Nangangatwiran ka pang bata ka! Tinuruan ba kita niyan huh!" Sigaw ni Mama sa akin saka mas lumakas 'yung mga hampas niya sa braso ko.
"Ouch Ma!" Naiiyak na talaga ako sa mga hampas ni Mama.
Ang sakit kaya!
Napapikit ako nang tumaas ang kamay ni Mama at ready na para tumama nang malakas sa braso ko. Hayan na... Ilang segundo na ang lumipas pero wala namang dumapong hampas sa akin.
"Mama, tama na po." Nagmulat ako ng mata.
Si Mike ang sumalag sa hampas ni Mama. Napaupo na lang si Mama sa couch na para bang naubusan ito ng lakas.
"Ma, ayos ka lang?" Tanong ko kay Mama.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Tumataas ang presyon ko sa'yong bata ka. Aatakihin ako sa puso sa'yo." May diin na pahayag ni Mama. Mukhang hindi naman na siya galit sa akin.
"Love you Ma." Inirapan lang ako nito at hindi pinansin.
"Naghapunan na ba kayo?" Si Mama.
Umiling naman ako rito.
"Halina kayo. Mike, ipinagluto kita ng paborito mo." Aya ni Mama saka nauna na ito sa kusina.
Nang dalawa na lang kaming naiwan ni Mike sa sala, kinausap naman ako nito.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Mike habang ine-eksamin ang braso ko.
Ngumuso ako rito. Namumula kaya ang braso ko sa mga hampas ni Mama. Ang brutal talaga nito kahit kailan. Tsk.
"Nakita mo kung gaano ka kamahal ng Nanay ko? Tsk." Nakangusong tugon ko sa tanong niya.
Hinila naman nito ang nguso ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ginulo pa nito ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...