Kabanata 35

189 6 0
                                    

"Bakit nandito ka?" Ani ni Mira.

Naibaba niya ang hawak na beer-in-can sa paladpad ng inuupuan saka matamang ineksamin ang mukha ng kausap.

"Ayaw mo ba?" Sagot naman ng kausap niya saka siya nito nginitian nang pagkalawak-lawak.

Naupo si Mike katabi ni Mira. Kinuha nito ang beer na iniinom ni Mira saka inisang tungga iyon.

"Hoy hoy..." Inagaw ni Mira ang beer kay Mike.

Pareho silang nakaupo sa bench sa tapat ng shop ni Mira. Gabi na kaya puno na ng bituwin ang kalangitan. Pareho nilang pinapanuod ang mga tala at buwan. And they were just both feeling their own breaths.

For the past weeks ay madalas na dumadalaw si Mike kay Mira. It meant nothing actually. They just both feel reconciled.

Yes hindi pa nila napag-uusapan ang lahat ng issue na nangyari sa pagitan nila. But they found comfort from each other.

"Si Mandy ulit?" Tanong ni Mira habang nakatingala pa rin sa kalangitan.

She felt Mike's awed gaze at her face.

"Alam ko na 'yang tingin na 'yan." Dagdag ni Mira na animo'y nabasa niya ang tingin ni Mike sa kaniya.

And yes, Mike would go to Mira ang rant about Mandy and his relationship with her. Yes, it was odd to hear your ex ranting about his new found love, but Mira did not mind.

Mas ayos na sa kaniya na kahit papaano ay "cool" sila sa isa't isa, na kahit papaano ay magkaibigan pa rin sila sa kabila ng mga nangyari. And she just wanted to get over the drama and finally move on with her life.

Mira found this sort of "companionship" with Mike a method for her to finally release herself from the past that binds her.

Hindi niya rin maintindihan ang sarili.

Who, in their right mind, would want to hear stories about his or her ex's new found love? No one. But then again, there is Mira. Baliw na nga yata siya.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Mira saka lumagok sa hawak na beer.

Napangiwi pa siya sa pait nito. Ngunit kaagad namang inagaw iyon ni Mike saka uminom din ang lalaki.

"Nothing much." Tipid na sagot ni Mike saka ibinaling ang tingin sa kalangitan.

Bumuga ng hangin si Mira saka sumandal sa bench. They both fell into deep silence. Tanging ang ugong lang ng mga sasakyang dumaraan ang naririnig.

Mike crushed the beer-in-can nang maubos niya ito. He threw it in the bin across them as if he was shooting a ball into the net.

"Bakit dito ka pa rin sa shop?" Basag ni Mike sa katahimikan.

"Huh?" Wala sa sariling tugon ni Mira. She was engrossed looking at the stars twinkling.

"Bakit dito ka pa rin nag-stay? Bakit di ka umuwi kila Mama?" Si Mike.

Napapalatak si Mira. It sounds familiarly unfamiliar na tawagin ni Mike ang ina niya bilang "Mama." But she didn't mind.

"Wala lang." Tipid na sagot ni Mira.

She wanted to avoid the question. Ayaw naman niyang sabihin na dahil nahihiya pa rin siya sa nagawa niya sa mga magulang niya.

"Ikaw bakit nandito ka na naman? Mamaya nagseselos na si Mandy." Pag-iiba niya ng topic.

Mike leaned back on the bench.

"Nag-iisip ako ng magandang proposal."

Hindi na nabigla si Mira sa sinabi ni Mike. Lately kasi ay naikwento ng lalaki na nape-pressure itong mag-propose kay Mandy dahil na rin sa nangyari noong birthday nito.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon