"Mike nailagay mo na 'yung gamit ng mga bata?" Tanong ko kay Mike bago ako sumakay sa passenger seat ng sasakyan niya.
Ihahatid na namin ang mga bata sa bahay nila. Kuya Terence and Ate Amanda just got home from Italy last night kaya naman pwede na naming ihatid ang mga bata.
Buhat-buhat ko si Sunshine na kagat-kagat ang teether niya. Naglalaway pa ito. Cute.
"Oo." Sagot nito.
Steven and Sere went inside the car. Sinuotan ni Mike ng seatbelt and dalawang bata.
"Are you excited?" Tanong ko sa dalawang bata na hindi mapakali sa pwesto nila.
"Yes Tita!" Sigaw ni Sere. Nakataas pa ang dalawa niyang kamay sa ere.
Steven pouted dahil natamaan ni Sere ang mukha niya nang itaas nito ang kamay. Cute talaga sila. Hayst.
"I want to see Mom." Si Sere.
"I want to see Dad." Si Ven naman.
"Sunshine wants to see them both." Sagot ko na ginagaya ang maliit at matinis na boses ng mga bata.
"Ingay niyo." Komento ni Mike bago sumakay.
He leaned closer to me para isara ang seatbelt ko.
"Tito are you going to kiss Tita Mira?" Inosenteng tanong ni Serenity.
Natigagal tuloy si Mike. Naestatwa siya habang nakadukwang pa rin sa akin.
"Daddy always kisses Mommy whenever he puts on her seatbelt." Dagdag pa ni Serenity.
Bahagya kong itinulak papalayo si Mike. Napakamot naman ito sa ulo. Tsk.
"Mike idaan mo sa McDo." Sambit ko nang makita kong malapit na kami sa fastfood chain.
"Kids what do you want?" Masiglang tanong ko.
Tutal huling beses ko na rin namang makakasama ang mga batang 'to, so mas magandang busugin ko na sila. I don't know when would be the next time. Ma-promote lang si Mike na Senior Associate ng firm nila, we'll file an annulment. Then that's it. Good bye na sa mga cute na batang 'to. Hayst.
Excited na sinabi nila ang gusto nila. Idinaan naman kami ni Mike sa drive through. Siya ang nagsabi ng order ng mga bata. I handed him my card na kaagad naman niyang tinanggap.
"MIRA! OH thank God! Buti naman at maganda ka pa rin. Akala ko na-stress ka na sa mga anak ko." Bungad ni Ate Amanda sa akin.
She hugged me and then quickly picker up Sunshine. Pinugpog niya ito ng halik. Even Steven and Serenity excitedly hugged and kissee their Mom and Dad. Halatang miss na miss nila ang isa't isa.
"Hindi naman Ate." Sagot ko rito.
"Thank you talaga! I don't know kung anong gagawin kung wala ka." Exaggerated na sambit ni Ate.
"Come'on. Pasok." Si Kuya Terence.
They both looked happy. Halatang nag-enjoy ang dalawa sa Italy. Hayst. They just had their third or fourth honeymoon pero mukha pa rin silang excited na excited at masayang-masaya sa isa't isa. They both looked like newly weds.
Samantalang kami ni Mike, hayst I don't know. No comment na lang ako sa bagay na 'yan. One day we were happy and then the next day we were at each other's throats and then we ended up breaking up. Well, I guess that's the reality of life for us two.
"Mira, here's your pasalubong." Inabot ni Ate Amanda ang isang branded na paperbag.
Alam kong mamahaling sapatos ito base sa tatak na naka-emboss sa paperbag.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...