"Ate Amanda! Anong ginagawa niyo rito?" Napasigaw pa ako nang makita ko si Ate Amanda sa labas ng bahay namin.
Kasama nito si Kuya Terence at si Steven, Serenity, at Sunshine. Pinagbuksan ko sila ng gate.
Yumakap sa akin si Ate Amanda at si Kuya Terence pati ang mga bata. Nagmano pa ang dalawang bata sa akin before Serenity kissed me on my left cheek. Sweet na bata.
"Na-surprised ka ba?" Humagikgik pa si Ate habang buhat si Sunshine na tulog.
"Suprise is an understatement Babe. Gulat na gulat si Mira oh." Turan ni Kuya Terence, na tumatawa rin.
"Pasok kayo." I ushered them papasok sa loob ng bahay.
Buti na lang pala at hindi gaanong makalat ang bahay. Wala rin si Mike dahil may inaayos pa yata ito sa firm nila. And knowing him, kahit Sabado ay nagtratrabaho ito.
Pagkapasok sa bahay, kaagad na dumiretso si Serenity sa couch at tumalon-talon. Sinaway naman ito ni Steven, ang Kuya sa kanilang magkakapatid. He's a quite kid.
"Here. Mag-juice muna kayo." I offered them orange juice at ilang biscuits.
Kumuha si Steven ng juice at biscuit at ibibigay ito kay Serenity. Kaagad naman itong inabot ng batang babae.
"Why the visit? Wala si Mike." Turan ko. Minsan lang kasi sila mabisita sa bahay. I mean mga twice or thrice a year lang. Kadalasan kasi doon kami sa mansyon nagkikita-kita.
Nagtinginan ang mag-asawa na para bang nag-uusap. Then Ate Amanda suddenly hugged me. She even squeezed me. Mas lalo tuloy akong nagtaka sa intensyon ng dalawa.
"Nako Ate kinakabahan ako kapag ganyan ka." Napatawa pa ako kahit pilit lang.
"Don't be." Sagot ni Ate. "Babe?" Pagtawag nito sa asawa.
Si Kuya Terence naman ang umupo sa tabi ko. Bale pinapagitnaan na nila akong dalawa.
"Mira we just want to ask for a favor." Sambit ni Kuya Terence.
Sabi na nga ba eh. Kaya kanina pa ako kinakabahan sa sasabihin ng dalawa.
"What favor? Kaya ko ba 'yan?" Kinakabahan kong tanong pero pilit pa rin akong ngumiti.
"Of course!" Ate Amanda squealed beside me.
Inabot ni Ate ang mga kamay ko at hinaplos. Nako, mas lalo akong kinakabahan dito.
"I have a conference in Italy tommorow and Amanda and I want to take this opportunity to have our forth honeymoon." Pahayag ni Kuya.
Napakunog ang noo ko. Forth honeymoon!? Samantalang kami ni Mike isang honeymoon lang. Pero sila nakatatlo na kaagad!? Geez. And they want another honeymoon? Kaya nakatatlong bata kaagad sila eh. Tsk.
"So what's the favor about?" Tanong ko. Kinakabahan man.
"We want you to take care of the kids. Three days lang naman." Sagot ni Ate Amanda as a matter of fact.
Napaamang ako sa kanya, lalo na sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko.
"Take care? As in alagaan ang mga bata? As in ako? Tapos sila" Takang tanong ko at tinuturo pa ang mga bata.
Hindi pa rin nagsi-sink in ang sinabi niya sa akin.
"Yes Mira." Si Kuya Terence. Kinompirma pa niya.
"Why me?" Tanong ko ulit.
I mean, wala akong experience sa bata. Tapos may work din ako. May work si Mike. And Mike, knowing him, hindi niya gusto 'yung maingay or magulo. Kaya nga hindi niya madalas bisitahin ang mga pamangkin. Sumasakit lang daw lalo ang ulo niya.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...