"Mira tingnan mo nga 'to. Bagay kaya 'to kay Lovely?" Si Ate Marison.
Itinaas niya ang isang kulay asul na bistida at iniharap sa akin. Sinipat ko naman ito, cute siya. May raffles ito sa laylayan. Puro bulaklak din ang design kaya sure ako na magugustuhan ito ni Lovely.
Lovely is Ate Marison's daughter. Ito ang panganay niya. She's only five years old. Sinundan naman ito ni Troy, na tatlong taong gulang na.
"Oo Ate. Kilala mo naman 'yung anak mo, ang hilig sa bistida." Sagot ko kay Ate Marison.
Nandirito kami sa mall for a little girl's time. Sinamahan ko si Ate Marison na mag-shopping ng mga damit para sa mga anak nito sa darating na pasko. Kasama rin namin si Marie na kanina pa busy sa cellphone. Katext yata ang boyfriend.
"Natuto yata kay Marie sa kaartehan." Ingos ni Ate Marison.
Narinig siya ni Marie. Sinamaan niya ng tingin si Ate Marison at pinagpatuloy ang pagtipa sa cellphone. Busy sa boyfriend. Tsk.
"Parehas lang naman kayo ni Marie na maarte." Sagot ko kay Ate Marison.
Nakatanggap naman ako ng batok sa kanya.
"Ate grabe ka! Ang lakas ng batok mo!" Asik ko sa kanya pero inismidan niya lang ako. Hayst.
Inilagay niya sa push cart ang bistida na para kay Lovely. Pumunta naman kami sa kabilang section ng department store para hanapan ng damit si Troy, and baby boy ni Ate. Nakasunod naman si Marie sa amin.
"Ate here. Bagay 'to kay Troy." Ani ko.
Itinaas ko sa harapan niya ang isang t-shirt na may disenyong sasakyan sa harapan. Mahilig kasi si Troy sa mga kotseng laruan.
"Ay oo. Magkano ba 'yan?" Hinanap ni Ate Marison ang etiketa at sinapat ito.
"Ang mahal Mira. Six hundred pesos eh ang liit naman saka bata lang ang magsusuot." Pahayag ni Ate Marison saka ibinaba na ang damit na inerekomenda ko.
"Ako ang magbabayad." Turan ko.
Bumaling sa akin si Ate Marison na nanlalaki ang mata. Malaki rin ang ngiti nito.
"'Di nga?" Kumpirma nito.
Tumango-tango ako sa kanya.
"Oo nga." Sagot ko.
"Sure ka huh. Kunin ko na 'to." Sagot niya.
Inilagay niya na sa push cart ang damit.
"Ate Mira kasama rin ba ako sa libre?" Tumabi sa akin si Marie at umabrasiete sa akin.
Ngumiti ito nang malawak sa akin. Nagpa-cute pa siya. Hayst. Pinitik ko ang noo nito pero hindi siya natinag sa kakangiti.
"Ate, sige na. Christmas gift mo na lang sa'kin." Pamimilit ni Marie.
"Kung mayroon si Marie, dapat mayroon din ako." Singit ni Ate Marison na kamapit naman sa kabilang braso ko.
Hayst.
Iwinaksi ko ang braso nilang nakapupupot sa akin pero kaagad din silang umabrasiete ulit. Kulit.
"Fine." Sagot ko. "Tutal Christmas naman." Dagdag ko.
Malapit na ring mag-Christmas kaya ayos lang naman sa akin. Medyo nagi-guilty rin ako sa pagsisinungaling ko sa kanila, ito na lang ang naisip ko na pampalubag ng loob ko. Ang bigat din kasing dalhin nito.
"Ate look! Bagay ba?" Itinaas ni Marie ang isang kulay pulang bistida sa harapan ko.
Inilapat niya iyon sa katawan niya at umikot-ikot pa. Inismidan siya ni Ate Marison.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
AcakMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...