Parang gusto ko naman lamunin ng upuan para maalis ang kahihiyan na unti-unting kumakain sa'kin. Sh*t lang.
Sino ba naman ang asawa na makakalimot ipakilala ang asawa niya sa mga kaibigan? Well, si Mike lang yata iyon.
Kung ang iba ay proud na proud ipakilala ang misis o mister nila sa ibang tao, hindi ganoon si Mike. Katulad na lang ngayon, thirty minutes na yata silang nagkwekwentuhan ng mga kaibigan niya, pero ngayon niya lang ako naipakilala sa kanila.
"Oh! You're Mrs. Cuevas pala. I'm Brenda, Mike's college friend." Inabot ng babaeng kinulang sa saplot ang kamay niya.
Hindi naman ako bastos para hindi tanggapin ang kamay niya kahit na hindi ko gusto ang awra nito.
"I'm Mira. It's nice to meet you." Sagot ko at pilit na nginitian ang babae.
"Hello Mrs. Cuevas, I'm Vince." Inabot ng isang lalaki ang kamay niya na tinanggap ko rin.
"Hi Mira! I'm Alexa." Pakilala ng isang babae. Mukha itong mabait, well, base kasi sa pananamit nito mukha naman siyang maayos. At least mas maayos kaysa kay Brenda.
"I'm Kate and this is my boyfriend Gregory." Pakilala pa ng isang babae.
Tinanguan ako ng lalaking katabi nito na nagngangalang Gregory. Nginitian ko lang sila ng tipid at binalingan ko na ang pagkain na nakahain sa harapan ko.
Hindi rin naman ako close sa kanila dahil in the first place ngayon ko lang sila nakita, so I did not initiate a conversation. Kung may itatanong lang sila sa akin saka ako sasagot.
"So gaano na kayo katagal ni Mike?" Tanong ni Brenda.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. She was looking intently at me na animo'y kinikilatis ang itsura ko. Nakataas ang kilay nito. Hayst.
"Going three years." Tipid na sagot ko at iniwasan siya ng tingin.
Wala naman sigurong tinga na naiwan sa ipin ko pero kung makatingin ang babae sa akin, wagas! Daig niya pa ang Mother-in-law ko noong unang beses ko itong na-meet.
"Mikey Mouse! Going three years na pala kayo ni Mira bakit ngayon lang namin 'to nalaman?" Tanong ni Alexa sa asawa ko.
Mukhang nagtatampo ang babae. Nakakunot ang noo nito.
Mike just winked at her na ikinatawa nilang lahat.
"Don't wink at me Mikey Mouse. Hindi ka makakatakas sa'kin." Parang bata na sagot ni Alexa. Natawa naman ang asawa ko sa inakto ng babae.
"Mostly nasa States kayo kaya hindi ko nasabi kaagad okay?." Tugon ni Mike.
"We have communication devices kaya! Why not tell us through skype!" Si Brenda, umirap-irap pa ito sa hangin.
"I'm sorry okay?" Tugon naman ng asawa ko.
"Enough with sorry. So..." Bumaling ng tingin sa akin si Kate. A lopsided smile formed on her face. "What do you do Mira?" Tanong nito.
"I'm a pastry chef by profession. May naipatayo na rin akong maliit na bakeshop at doon ako nagwo-work ngayon." Tugon ko.
"Oh good! Magaling ka pa lang magluto." Komento nito.
"No wonder you captured Mike's heart. Mahilig 'yan sa pagkain ever since college." Si Vince.
"I remember Mike could finish a whole 12 inches pizza all by himself!" Si Gregory.
"Kaya nga parati tayo sa mga eat-all-you-can tuwing lalabas." Si Alexa.
I smiled at them. Hindi naman maipagkakaila iyon. Mike really has a big appetite. Actually sa isang bakeshop kami nagkakilala ni Mike. He was a regular sa bakeshop kung saan ako nag-OJT kaya madalas kaming nagkikita.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
NezařaditelnéMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...