Kabanata 32

160 8 7
                                    

"Kaninong party 'to?" Tanong ni Mira kay Sandro nang huminto sila sa tapat ng isang malaking bahay.

Kita na ni Mira ang mga magagarang kotse na nakapila sa labas ng bahay. May mga bisita na rin na pumapasok sa loob, ang mga kasambahay at ibang attendant ang nag-a-usher sa mga guest.

"You'll know when we get there." Sagot ni Sandro.

Kumunot ang noo ni Mira sa tono ng boses ni Sandro. Noon niya lamang narinig ang ganoong tono ng pananalita ni Sandro.

"Come." Inabot ni Sandro ang kamay ng babae habang inaalalayan ito palabas ng kotse.

Matamang nakatingin si Mira kay Sandro. Hindi niya mabasa ang mukha nito. At lalong hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.

Nagtatalo ang loob ni Mira. Pakiramdam niya ibang Sandro ang kasama niya ngayon. Not the Sandro she knew. Not the flirty Sandro, but a Sandro with a whole new feel. On the side, wala namang rason para pag-isipan niya ng iba si Sandro.

Stop thinking Mira. Paalala niya sa sarili habang nilalakabay ang papasok sa gate ng malaking bahay.

"Sir Sandro." Nag-angat ng tingin si Mira sa pinanggalingan ng boses.

Nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng suit. Halatang gulat na gulat ito nang makita si Sandro. But Sandro remained plain and stiff. Ni walang emosyon na nababakas sa mukha ng lalaki.

"Good to see you again Roy." Sambit ni Sandro bago siya nito inakay at lampasan ang lalaking nagngangalang Roy.

"Sino 'yun?" Bulong ni Mira kay Sandro pero hindi siya nito sinagot. Bagkus ay nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

Nang makarating sila sa garden ng mansyon, nalula si Mira sa ganda ng ayos ng lugar. Kahit gabi na ay maliwanag na maliwanag ang ayos ng lugar. May mga bulaklak pa na nagsisilbing palamuti.

"Kaninong party 'to?" Tanong niya ulit kay Sandro pero diretso lang ang tingin ng lalaki, ni hindi siya nito tinapunan ng pansin na animo'y hindi siya nito narinig.

"Sandro." Naiinis na sambit ni Mira.

Pero nanatiling diretso lang ang tingin ni Sandro. Binitiwan na rin ng lalaki ang kamay niya saka ito dumistansya sa kaniya.

Lukot man ang mukha ni Mira, pinilit niyang kumalma. Nagpalinga-linga siya sa lugar pero tanging mga hindi pamilyar na mukha ang nakita niya.

Humalukipkip si Mira saka naupo sa katabing round table. Habang si Sandro ay nanatiling nakatayo at diretso ang tingin sa make-shift na platform.

Inilabas ni Mira ang cellphone at napagdesisyunan na lilibangin na lamang niya ang sarili dahil mukhang kahit si Sandro ay wala sa sarili nito.

She was busy tapping and typing on her phone nang biglang nag-umpisa na ang pagtugtog ng musical ensemble sa gilid ng stage.

Ang kaninang lukot na mukha ni Mira ay nagliwanag nang marinig niya ang pagtugtog ng violin at ng cello. She felt relaxed and at ease.

Muling iginala ni Mira ang mata sa paligid. Kumunot ang noo niya nang hindi makita sa tabi niya si Sandro. Nahilo na siya kakatingin sa mga tao at pilit hinahanap ang mukha ni Sandro pero hindi niya nakita ang lalaki. Ni wala siyang nakitang pamilyar na mukha.

Tumayo siya at luminga ulit.

She instantly stilled. Napahawak pa siya sa lamesa nang makita ang isang pamilyar na mukha. A face that constantly visits her dreams and her waking hours.

"Mike..." Wala sa sariling sambit niya.

Napabuntong hininga si Mira at kinusot ang mata. Bahagya pa siyang natawa sa sarili.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon