"Ma ihahatid na lang kita." Nandito kami sa parking lot ng mall.
Umiling-iling si Mama.
"Huwag na." Sagot nito.
"Ma, ang dami mo kayang pinamili." Sagot ko naman.
"Huwag na Mira at nagpasundo na ako sa Papa mo. Mauna na kayong umuwi ni Mike." Turan nito.
Nagkatinginan naman kami ni Mike pero kaagad din akong nagbawi ng tingin.
"Sige Ma. Ikaw bahala. Basta mag-text ka kapag nakauwi na kayo ni Papa." Sagot ko.
Yinakap ko si Mama, ganoon din naman ang ginawa ni Mike sa Mama ko.
"Hijo, pagpasensyahan mo na si Mira minsan. Matigas lang ang ulo ng batang iyan pero mabait naman 'yan. Ikaw na ang bahalang umintindi kung may pagkukulang ang anak ko. Tsaka kung may problema kayo, pag-usapan niyo." Makabuluhang pahayag ni Mama habang hawak-hawak ang kamay ni Mike.
Napakagat-labi ako. Nakaramdam naman ako ng hiya kay Mama. Pakiramdam ko ay binaliwala ko ang tiwalang ibinigay niya sa pagsasama namin ni Mike.
"Y--es Ma." Tipid na sagot ni Mike.
"Oh siya, mauna na kayo. Hihintayin ko na lang dito ang Papa niyo." Sagot ni Mama.
Wala na rin akong nagawa kun'di ang sumakay sa kotse ko. Ganoon din ang ginawa ni Mike. Bale nasa magkahiwalay kaming kotse.
Sh*t.
Iyon ang nasabi ko pagkasakay ko sa kotse. Kahit gusto kong hampasin ang steering wheel, pinigilan ko ang sarili ko.
Nahihiya ako kay Mama. Binigay niya ang tiwala niya sa akin at kay Mike, that we will have a happy marriage and a successful family. Pero heto kami ngayon at naghiwalay na. Nakakahiya kay Mama.
Parang hindi ko na kayang harapin pa sa susunod si Mama knowing na ganito ang situwasyon namin ni Mike. To make it worst, nakita pa ni Mama na may babaeng kasama si Mike.
Wala na lang din naman iyon para sa akin. I mean oo masakit kasi parang ilang linggo palang kami naghihiwalay tapos makikita ko na nakikipagtawanan na siya sa ibang babae. But thinking rationally, wala na rin naman akong karapatan para masaktan pa. I mean, we're over. And that's it.
Kahit nasasaktan ako, well, sa akin na lang ang sakit na iyon. Hindi na kailangan pang malaman ni Mike o ni Mama o ng kahit na sino pa.
Pinarada ko ang kotse ko. Halos kasunod ko lang si Mike. Saktong pagkababa ko ng kotse ay ang pagbaba rin ni Mike. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa main door. Siya na ang nagbukas ng pinto.
Wala na kaming pansinan nang makapasok kami sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto namin na kwarto ko na lang nagyon. Siya naman ay pumasok sa guest room na kwarto niya na ngayon.
Hinubad ko ang damit ko tsaka nagbabad sa tub. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina.
Mike and his girl.
Natatandaan ko ang babaeng kasama niya. She was Mike's ex and first love. Nakilala ko siya dahil sa photo album ni Mike noong high school siya at college. Halos sa lahat ng exes ni Mike, siya ang pinakagusto ni Mama Jennifer para sa kanya. Palagi niya itong bukang-bibig kahit na ako na ang girlfriend at kalaunan ay asawa na ni Mike.
Long time family friend daw ang pamilya ni Mandy. Abogada rin ito katulad ni Mike. At sa pagkakatanda ko, ito ang pinakamatagal na karelasyon niya. Mula second year high school hanggang first year college, ito ang girlfriend ni Mike.
Nakakalungkot lang kasi halos ilang linggo pa lamang namin napagdedesisyunan na maghiwalay, bumalik na kaagad siya sa ex niya, sa first love niya.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...