"Ma! Ano ba!" Mahinang saway ko kay Mama nang itulak niya ako kay Mike na nakatayo sa bukana ng bahay ng mga magulang ko. Nag-landing tuloy ako sa bisig nito.
Kaagad naman akong lumayo sa kanya at umayos ng tayo.
It's my Papa's birthday kaya naman pinilit ako ni Mama na umuwi at dalawin sila. Pati si Mike ay malamang napilit din ni Mama. I didn't know Mike would be here today. Hindi ko naman kasi sinabing birthday ni Papa at wala rin akong balak sabihin.
After noong umuwi siya ng lasing kasama si Mandy at nakaroon kami ng kaunting pagkakainitan, he didn't talk. Dalawang linggo na yata na no-talk kami sa bahay. As in. Wala talagang umiimik sa amin.
Kaya naman ang pangyayari ngayon ay nakakapanibago. Hayst.
"Ngayon ka pa ba nahiya sa asawa mo?" Nanunuksong tanong ni Mama. Umingos na lang ako rito.
Lumapit si Mike kay Mama at nagmano. Halata naman sa mukha ni Mama ang saya habang tinititigan si Mike. Tsk. Mama looked at Mike as if anak niya ito.
"Buti nakarating ka Mike. Alam ko namang busy ka." Kausap ni Mama kay Mike.
"Of course Ma. I wouldn't miss it." Ngiting sagot ni Mike.
Great! Ang galing niyang umarte sa harap ni Mama. Pwede na siyang awardan ng best son-in-law of the year. Tsk!
"Halika sa Papa mo." Ani ni Mama tsaka hinala si Mike papunta kay Papa.
Mayamaya hinila rin ako ni Mama papunta sa gawi ni Papa. Hayst. Ipagyayabang na naman ni Mama ang "masaya" naming pagsasama ni Mike. Tsk. As if!
Tanghaling tapat pero nakikipag-inuman na si Papa sa mga kaibigan nito. Ang ibang bisita ay mga kasamahan nito sa trabaho. Imbitado rin ang boss ni Papa. For sure ibabalandra ni Papa si Mike at ang pagiging abogado nito. Hayst.
"Nandito na pala ang manugang kong abogado!" Malakas na anunsyo ni Papa tsaka tumayo at inakbayan si Mike.
Imbes na mainis si Mike, he just got along so well. Ipinakilala siya ni Papa sa mga kaibigan nito. Paulit-ulit sinasabi ni Papa na abogado si Mike sa isang malaki at kilalang firm. Tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan niya at nakikipagbiruan din kay Mike. Hayst.
"Bentang-benta ulit ang asawa mo ah." Komento ni Ate Marison, ang panganay sa aming tatlong magkakapatid.
Napailing na lang ako at hindi makapaniwala kung paano naaatim ni Mike ang pakikipag-usap sa mga kaibigan ni Papa kahit alam niya nang maghihiwalay na rin kami. Tsk.
"Full package naman kasi si Kuya Mike. Gwapo. Matino. Mabait. Yummy. Mayaman. Wala ka nang hahanapin pa." Ani ni Marie, ang bunso sa amin.
Napaismid ako sa komento nilang dalawa. If they only knew kung gaano kalakas ang boses ni Mike kapag nag-aaway kami, I doubt na masasabi pa rin nilang mabait ito. Duh.
"Kaya nga bidang-bida si Mike. Minsan nagtatampo na si Ben dahil puro si Mike ang bukang-bibig ni Mama." Tukoy ni Ate Marison sa asawa nitong si Kuya Ben.
Tsk. Baka nga mas mabait pa si Kuya Ben eh. Kahit na madaldal ang Ate Marison ko at may pagkamaarte, napagtitiyagaan niya ito. Unlike Mike. Tsk. Wala na akong aasahan pa sa lalaki.
"Baby na lang ang kulang sa inyo Ate Mira." Singit ulit ni Marie bago niya ako ngitian nang malawak.
"Whatever. Maghiwa ka na nga lang diyan. Baka ikaw pa ang mahiwa ko." Asik ko kay Marie.
Kasalukuyang nasa kusina kami at naghihiwa ng karne para sa gagawing pulutan ni Mama para kila Papa at sa mga manginginom nitong bisita.
Rinig na rinig ko ang malulutong na halakhak ni Papa mula sa garden habang ipinapakilala si Mike sa mga kaibigan nito. Makatawa pa kaya si Papa kapag nalaman niyang naghihiwalay na kami ni Mike sa papel? Nakakakonsensya tuloy. Tsk Mira! Bakit mo ba iniisip 'yun!?
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...