"Mira, pakisabi nga kay Manang Linda na maghain na siya." Napairap ako sa baritonong boses na nag-uutos sa akin.
Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagtipa ko sa laptop. Ginagawa ko kasi 'yung recipe ng croissant na natuklasan ko kahapon.
I am a pastry chef. I own a small cafe. Hindi pa naman ito kalakihan pero dumarami na ang mga suki kong customers.
"Mira, naririnig mo ba 'ko?" Ulit ng boses.
Ipinasak ko ang earphones ko kahit walang tugtog tsaka nagpanggap na hindi ko siya naririnig. Hmpf! Bahala siya sa buhay niya. May paa't kamay naman siya. Bakit hindi siya ang tumawag kay Manang Linda.
Binalingan ko na lang ng pansin ang ginagawa ko. Mas importante pa 'to kaysa sa mga utos niya. Tsk.
"Mira!" Nagulat na lang ako may sumigaw sa likod ko.
Hinatak niya ang earphones na nakapasak sa tainga ko. Shoot! Ang sakit!
"Ano ba!?" Singhal ko sa kanya.
Nakita kong mamumula na siya sa galit. Pati ang tainga niya pulang-pula na. Kulang na lang ay may lumabas na usok sa ilong niya o kaya apoy mula sa bibig niya. Kung nakamamatay din ang titig niya, oh boy, I would be dead by now. Ang talim-talim naman kasi ng mga tingin niya. Tsk.
"Inuutusan kita." Madiing sambit nito.
Tinaasan ko siya ng kilay. Inirapan ko rin siya. Feeling niya!
Binalingan ko ulit ng tingin ang laptop ko. Hindi ako utusan para utus-utusan niya lang. Kung sa korte eh may say siya, pwes sa akin wala! Nakakainit lang siya ng dugo!
"Mira!" Sumigaw ulit nito pero hindi ko na siya pinansin pa. Magsalita siya all he wants, pero 'di ko na siya kakausapin pa. Bahala siya.
Hayst. Hahanap lang ako ng stress kapag pinakinggan ko pa siya. Eh???
Namatay ang laptop ko. Shoot! Hindi ko pa naise-save 'yung nagawa ko. Hinanap ko kaagad ang dulo ng saksakan ng charger ng laptop. Nahila ko ba unknowingly?
There. Hawak-hawak ng magaling kong asawa ang dulo ng charger. Gag* talaga 'to! Nakangisi pa siya sa akin na akala mo'y ang ganda na nagawa niya. Huh!
Napakagat-labi ko. Pumikit pa 'ko. Kumalma ka Mira. Kalma. Inhale. Exhale.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Mike?" Mahinahon pero madiin kong sagot.
"Getting your attention?" Nakangising sagot ng lalaki tsaka sumandal sa pader.
Lakas talaga ng apog ng lalaking 'to! Sarap hampasin ng rolling pin!
"Isaksak mo ulit 'yan." Sagot ko.
May problema na kasi 'yung laptop ko. Sira na 'yung battery niya so kapag gagamitin ko siya kailangang nakasaksak 'yung charger. But this infuriating man, hayst, tinanggal 'yung charger sa outlet. Kaya nakakagigil!
"Ayaw." Parang bata nitong sagot.
Naturingan pa naman siyang isang abogado, pero heto kung umakto parang gag*! May sapak talaga 'to sa utak. Tsk.
"Isasaksak mo 'yan o ako na ang sasaksak sa'yo?" Tanong ko.
Kaunti na lang talaga. May patience would run dry.
"Oh Honey that's an outright threat. Pwedeng ground 'yan para kasuhan kita." Ngisi nitong sagot.
"Kasuhan mo. Pero bago mo pa 'yun magawa, tutuluyan na kita. 'Di bale nang maghimas ako ng rehas kaysa makita ang pagmumukha mo araw-araw!" Singhal ko rito.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...