"Nababaliw ka na ba!?" Singhal ni Mira kay Mike habang nanlilisik ang mata niya sa lalaki.
Isang malokong ngiti lamang ang ibinigay ng lalaki sa kaniya. Mas lalo tuloy lumukot ang mukha ni Mira. Pakiramdam niya ang pulang-pula na sa inis ang mukha niya.
"Hey! Mike! 'Wag mo lang akong ngitian!" Mira was shouting.
Rinig na rinig ang boses nito sa loob ng sasakyan. Kung hindi lamang maingay ang ugong ng ibang mga sasakyan, malaman ay rinig na rinig si Mira hanggang sa labas ng kotse.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" Singhal ni Mira ngunit hindi siya pinapansin ng lalaki.
"Mike! Ano ba!? Sagutin mo ako!" Mira lightly punched Mike's arm. Ayaw niyang guluhin ang lalaki dahil nagmamaneho ito. But she swears, kung hindi nagmamaneho ang lalaki ay masasaktan niya ito.
"Why?" Parang wala lang sa lalaki ang ginagawa nito.
Napabuga ng hangin si Mira. Hindi siya makapaniwala sa ginagawa ng lalaki. Hindi niya alam ang intensyon nito o kung ano ang balak gawin ng lalaki.
"Mike." Mabigat na sambit ni Mira.
Sandaling tinapunan siya ng tingin ni Mike at ibinalik muli ang tingin nito sa daan. Nairita si Mira sa ngiti ng lalaki, na para bang wala lang dito ang ginagawa nito.
"Mike itigil mo ang kotse." Seryosong sambit ni Mira.
"Why?" Nanloloko ang ngiti ng lalaki.
"Don't why me Mike. Seryoso ako." Sagot ni Mira.
Kung laser ang mga mata ng babae, malamang ay lusaw na si Mike.
"Seryoso rin naman ako." Tugon ni Mike sa babae.
Nakagat ni Mira ibabang labi at napahilamos. Kumuyom ang kamao niya.
"Kapag hindi mo ito itinigil, I swear Mike tatalon ako palabas sa kotse mo." Banta ni Mira sa lalaki.
Kaagad naman na bumagal ang takbo ni Mike. Nag-auto lock din ang mga pinto.
Napatawa ng pagak si Mira saka umirap sa lalaki.
"Mike. I'm. Dead. Serious." Aniya.
"Seryoso rin ako Mira." Sagot ni Mike habang naglalandas ang tingin nito sa mukha niya.
Naasiwa ang babae sa klase ng tingin na ibinibigay ng lalaki. Mira felt something cold crept up her spine nang magtama ang tingin nila ni Mike. Hindi niya man sabihin ay kakaiba ang nararamdaman niya.
Ilang segundong nawala si Mira sa kaniyang sarili.
Stop it Mira. Ano ba sa tingin mo ang nararamdaman mo? Give it up now. Stop looking back at him. Stop feeling giddy. Stop feeling anything, Mira. Wala na kayo. At alam mong hindi na kayo babalik pa sa dati.
Parang hinila ng lupa ang wisyu ni Mira pabalik sa katawan niya. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin sa lalaki at humalukipkip.
"Saan tayo pupunta?" Matigas ngunit may pagsuko sa boses ni Mira.
Awtomatiko naman na napangiti si Mike at kumislap pa ang mata nito.
"Let's go to Palawan."
"MIKEEE!" RINIG NA RINIG sa buong kwarto ang sigaw ni Mira.
Humahangos na tumatakbo si Mike papunta sa kinaroroonan ni Mira. Kinakabahan ang lalaki sa klase ng sigaw ng babae. Baka kung napano na si Mira.
"MIRA!" Mabilis na binuksan ni Mike ang pinto ng kwarto at hinanap ang bulto ng babae. "Anong nangyari?"
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...