1 week after our break up, hindi siya umuwi sa bahay. Hindi ko na siya nakita ever. Or baka naman umuuwi siya pero gabing-gabi na at aalis rin nang umagang-umaga kaya hindi ko siya nakita.
I was doing my laundry. Hindi na kasi bumalik sila Manang Linda at Inday, pati si Mang Cardo wala na rin. Pinabalik na silang lahat sa mansion. Kaya ang ending kaming dalawa na lang ni Mike dito sa bahay.
I don't know what excuses he made sa mga magulang niya para manatili sila Manang doon sa bahay. At least it worked out well. Hindi ako kakabahan kung may makakaalam sa ginagawa namin.
Nagsasampay na ako sa bakuran nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan. Last time I checked alas diez pa lamang ng umaga. Why would Mike come home at this time?
Tinuyo ko ang kamay ko tsaka pumasok sa loob ng bahay. Narinig ko ang ilang kaluskos sa kusina kaya doon ako nagpunta.
There I saw Mike. May kung ano siyang hinahanap sa refrigerator. He was pacing back and forth, gusto yatang magluto.
"Nandito ka na?" Obvious na tanong ko para agawin ang atensyon niya.
Nabitin ang kamay niya sa ere. At dahil nakatalikod siya, hindu ko nakita ang mukha niya. He turned to look at me.
Pinagkatitigan naman niya ako. Medyo nahiya ako dahil sa itsura ko. My hair was tied in a bun, may mga loose strands pa, ang iba ay humaharang sa mukha ko.
I saw his eyes piercing through my body, well, sa dibdib ko? Nagbaba ako ng tingin, only to find out na kita pala ang cleavage ko. Sh*t! Hinila ko kaagad ang damit ko pataas.
Gag* ka Mira!
Nag-iwas din siya ng tingin saka binalingan ang ginagawa niya.
"Yeah."
Napalabi na lang ako.
"Uh... I'll go upstairs." Tugon ko.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Dumiretso lang ako sa kwarto namin. Ay kwarto ko na lang pala.
Pumasok ako sa banyo at inihanda ang bathtub. Hinubad ko ang damit ko tsaka sandaling nagbasa ng katawan bago nagbabad sa tub.
Minsan napapaisip ako, ang weird ng set-up namin ni Mike. We're married but broke up but still married in law. Hayst. Tapos nakatira pa kami sa iisang bubong. Ang hirap tuloy, parang calculated ang mga kilos ko.
I can't move out dahil walang pwedeng makaalam na hiwalay na kami. Kailangan naming pakisamahan ang pamilya ng bawat isa, to appear like a loving couple kahit na durog na ang pagsasama namin.
Itinaas ko ang kamay ko at pinagmasdan ang singsing na nasa palasingsingan ko. I just can't take this of yet, baka may makakita. And it would feel foreign na wala na ang singsing ko. 'Yung singsing na matagal kong pinangarap na maisuot. Tsk.
Nagbanlaw ako ng katawan tsaka isinuot ang bathrobe. Tinuyo ko ang buhok ko tsaka bumaba at pumunta sa kusina.
Naabutan ko si Mike na nagla-lunch. Nag-angat siya ng tingin sa akin pero hindi ako pinansin.
Medyo sunog pa ang pinirito niyang beef tapa at hotdog. Tsk. Hindi na talaga natuto. Napaismid lang ako sa pagkain niya pero hindi ko siya pinansin. Ininit ko ang natirang tinolang manok kagabi.
Inilapag ko ang pagkain ko kaharap niya. Magkasalo kami sa hapag pero 'di rin kami nagpapansinan. Wala na rin naman kaming dapat pag-usapan pa.
Nang matapos siyang kumain, hinugasan niya ang pinagkainan niya. Hindi niya na ako hinintay pang matapos. Nakita ko na lang siyang umakyat sa hagdan. Baka pupunta sa study room. Tsk.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...