Kabanata 2

193 4 1
                                    

"Hija bakit ngayon ka lang?" Nagulat pa 'ko nang biglang sumulpot si Manang Linda sa harapan ko.

Tinulungan niya akong ipasok sa bahay ang dala kong maliit na maleta. Si Inday naman, pamangkin siya ni Manang, ang kumuha ng dala-dala kong paper bag.

"Ate Mira nako namiss kita nang bongga!" Si Inday.

Nginitian ko naman ito.

"Sus. Kainin niyo na pala 'yang tinapay na dala ko. Hindi na masarap 'yan kapag lumamig." Sagot ko.

Dumiretso kami sa kusina. Ikinuha ako ni Manang ng isang basong orange juice. Naupo ito kaharap ko.

"Hija 'wag kang mabibigla sa sasabihin ko." Napaangat naman ang tingin ko kay Manang Linda. Mukhang alalang-alala pa ito.

"Bakit Manang?" Tanong ko naman.

Simula kasi nang magtalo kami ni Mike last week, hindi na ako umuwi sa bahay. Doon na ako natutulog sa shop. Buti na lamang ay ready ako. May dala akong mga gamit na nakaantabay sa kotse ko.

"Nako, kasi itong asawa mo. Sabi ko na nga na huwag na siyang umalis dahil gabi na at lasing pa siya pero hayun ang tigas ng ulo. Hindi naman ako nagkulang ng paalala sa kanya. Kahit itanong mo pa kay Inday at Cardo, pinigilan kong umalis ang asawa mo. Kaso kilala mo naman si Mike, hindi iyon nakiki--"

"Manang ano po ang gusto niyong sabihin?" Putol ko kay Manang Linda.

Ang haba kasi ng paliwanag niya. Isa lang naman ang bottom line, matigas ang ulo ng asawa ko. Matagal ko nang alam ito. Wala nang bago.

"Hayun na nga, naaksidente si Mike." Naibuga ko ang juice sa mukha ni Manang.

"Oh my ghad Manang Linda sorry!" Tili ko pa tsaka inabutan ito ng tissue na nakaantabay sa lamesa.

"Ay pwe!" Ubo-ubong sagot ni Manang.

"Hala Manang sorry talaga." Sagot ko pa habang tinutulungan itong magpunas ng mukha.

"Si Ate Mira sobrang shocked, si Tita Linda naman iwww." Maarteng sabi ni Inday.

Pinandilatan ko ito ng mata. Tumahimik naman ang dalaga tsaka nginuya na lang ang tinapay na hawak.

"Ayos lang Hija. Libre shower ako ngayon." Natatawang sabi ni Manang.

Pero hindi ko yata magawang tumawa dahil sa nalaman ko. As in si Mike Cuevas, ang kinamumuhian kong asawa, naaksidente? I mean, Mike is a good driver. He is not a reckless driver kaya paano itong naaksidente? I mean... It's not like Mike.

"Hija ayos ka lang ba?" Si Manang Linda.

"Tita Linda paano naman magiging maayos si Ate Mira eh nalaman niyang naaksidente si Kuya Mike." Si Inday.

"Tumahimik ka nga Inday!" Singhal ni Manang kay Inday.

"Ano Hija?" Inabot ni Manang Linda ang kamay ko. "Nanginginig ka." Alalang turan nito.

Tsaka lang ako napatingin sa kamay ko. They are shaking. Shoot!

"Nasaan po si Mike?" Mahinang tanong ko.

Parang naubusan naman ako ng lakas nang malaman kong naaksidente ang asawa ko. I mean yes we fight. We always try to find things na pwede naming pag-awayan o ikagalit sa isa't isa. Yes we infuriate each other. Pero hindi naman ibig sabihin noon na hindi ko na siya mister, at hindi na niya ako misis. Mag-asawa pa rin kami sa batas at sa mata ng Diyos.

I don't want something bad to happen to him. Gusto ko kung may mangyayari mang masamansa kanya ay kagagawan ko na lang. But not this.

"Manang nasaan si Mike?" Tanong kong muli.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon