Kabanata 11

138 4 1
                                    

"Hello po Ma." Pinigilan kong maiyak nang sagutin ko ang tawag ng Nanay ko.

I've too frustrated right now. Parang anytime ay sasabog na ako tuwing naiisip ko ang kahihiyang inabot ko sa harap ng sales lady nang pagsabihan ako ng Mama ni Mike sa mall kahapon.

Tuwing naiisip ko 'yun, parang mas naiiyak ako. And her exact words still resonate in my head. Tsk.

"Anak, kung hindi kayo busy ni Mike sa Sabado, please make time for us. Magse-celebrate kasi tayo at na-promote ang Papa mo." Excited na sagot ni Mama.

Bahagya akong napangiti, but it was never enough to console me.

"Ma, pakisabi kay Papa congrats." Pilit kong pinasigla ang boses ko.

"Nako, thank you anak. Hayaan mo at sasabihin ko sa Papa mo. Basta Mira, make time huh. Kayong dalawa ni Mike. Gustong-gusto kayong makita ng Papa mo." Sagot ni Mama.

Pinigilan kong mapabuntong hininga. Paano ko naman mapapasama si Mike eh halos hindi na nga kami nag-uusap nun. We sleep in different rooms. Ako natutulog sa kwarto namin, siya ginawa na yatang kwarto ang study room o minsan hindi na siya umuuwi at sa firm na nila nagpapalipas ng gabi.

"I'll try Ma." Tipid na sagot ko. Ayaw ko naman siyang paasahin.

"Basta kailangan present kayo ni Mike. Alam mo naman ang Papa mo, proud na proud sa asawa mo." Tugon ni Mama.

"Yes Ma. I know." Sagot ko.

"Oh siya. Sa susunod baka dumalaw ako sa bahay niyo. Pakitanong mo si Mike kung anong gusto niyang putahe at ipagluluto ko siya." Si Mama.

"Yes Ma. Bye po. I love you."

"Sige Anak, mag-ingat kayo ni Mike. Love you." Sambit ni Mama bago naputol ang linya.

Napahiga ako sa kama at tumitig sa ceiling. My family really likes Mike kahit noong boyfriend ko pa lamang ito. Natatandaan ko pa, Mama would push me to bake for Mike lalo na kapag magte-take ito ng exams or kapag may mga mock trials sila. Tapos pipilitin ako ni Mama na ihatid 'yung niluto niyang lunch or dinner for Mike. Papa would brag na abogado raw ang mamanugangin niya.

Samantalang ako, halos ipamukha sa'kin ng Mother-in-law ko na hindi niya ako gusto for Mike, na iba ang ang gusto niya para sa anak niya. Hindi raw kami bagay ni Mike, na makakasagabal lang ako sa pag-aaral ng anak niya, na hindi pa ako sapat for my husband. Hanggang ngayon ay iyon pa rin naman ang ipinapamukha sa akin ng Mama niya. Nasanay na lang din ako.

I closed my eyes for a moment, trying to seek peace. Ang hirap nang ganito.

I was trying to doze off nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Malakas ang pagkakabukas nito kaya gumawa ng ingay. I sat up.

Si Mike.

He looks enraged, na animo'y ang laki ng ginawa kong kasalanan. He strode at tumayo sa paanan ng kama. Medyo kinabahan naman ako sa klase ng tingin na ibinibigay niya. Sh*t! May ginawa ba akong mali!?

"W-why?" Takang tanong ko.

Napahilamos ito sa mukha niya.

"What did you do to my Mom?" Madiing tanong niya sa akin.

Napaamang ang bibig ko. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"What?" Paglilinaw ko.

"What. Did. You. Do. To. My. Mom." Alam kong galit na galit ito ngayon.

"I did not do anything." Matapang na sagot ko sa kanya.

'Yung Mama niya nga ang may ginawa sa akin. Nagtitimpi lang ako at ayaw ko nang palalain ang hidwaan sa pagitan ko at ng Mama niya. So I was silent the whole time.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon