Kabanata 19

143 7 0
                                    

Nagising ako ng madaling araw dahil sa iyak ni Sunshine. Hindi pa naman ako nakakatulog nang matagal ay umiyak na ito. Hayst.

Tinapik-tapik ko ang binti ng bata para bumalik ito sa pagtulog kaya lang tuloy pa rin ito sa pag-iyak. Hayst.

Eyes half open, bumangon ako at binuhat ko si Sunshine. Inugoy-ugoy ko ito sa bisig ko para sana makatulog ito ulit, pero hindi pa rin siya tumatahan. Tsk. Babies and their needs.

Buhat ko siya gamit ang isang kamay ko. My free hand is trying to prepare her formula milk. Ang hirap pala.

Mayamaya bumukas ang pinto ng kwarto at nakita ko si Mike na pumasok. Nagulat pa ako rito pero hindi ko na pinahalata.

"She's throwing tantrums?" Si Mike.

Tumango ako rito. Dumalo naman si Mike sa akin. Siya na ang nagtimpla ng gatas ni Sunshine habang ako ay inaalo ko pa rin ang bata.

"Here." Inabot niya sa akin ang bote ni Sunshine. Kaagad ko itong isinubo sa bata para tumigil na ito sa pag-iyak.

Mayamaya tumahan naman si Sunshine. Inilapag ko na siya sa kama at tinabihan. Hawak ko ang bote niya para alalayan siya sa pag-take ng milk.

Hinihintay kong umalis si Mike sa kwarto pero nanatili itong nakatayo sa paanan ng kama at nakamasid sa amin ni Sunshine.

"Why?" Takang tanong ko rito.

"I'll sleep here." Deklara nito.

Walang pasabi na nahiga ito sa kaliwang bahagi ni Sunshine. Napapagitnaan namin ang bata. Kinuha niya ang baby bottle sa akin at siya na ang umalalay dito.

"Sleep." Utos niya sa akin.

Hindi na ako kumontra sa kanya dahil inaantok na rin ako. Pasalamat na lang ako dahil nandito siya. Kun'di napuyat na ako kay Sunshine.

Patulog na sana ako nang umiyak ulit si Sunshine. Bumangon ako at kinalong ito sa bisig ko. Bumangon din si Mike tsaka inalalayan ang baby bottle. Tinatabig ni Sunshine ang milk niya kaya inilayo na ito ni Mike.

"Check mo nga kung may pupu siya." I asked Mike.

Kahit naka-dim ang ilaw sa kwarto, nakita ko ang itsura nito. Sumama ang mukha niya. Hayst.

"Hold her." Ipinasa ko sa kanya si Sunshine tsaka ko chineck ang diaper nito.

"Meron?" Si Mike.

Tumango ako. Kinuha ko ang diaper ni baby at ang wipes. I changed her diaper.

Tumahan naman si Sunshine nang napalitan ko na ang diaper niya. Inihiga siya ni Mike sa pagitan namin. Hayst. I don't think I would get any sleep tonight. Tsk. Tsk.

KINABUKASAN, nagising ako dahil sa hindi ko nakapa si Sunshine sa tabi ko. Napabangon kaagad ako. Sh*t! Nasaan na 'yung baby. Wala na rin si Mike.

Napatakbo kaagad ako sa labas. Nasa hagdanan pa lamang ako, natanaw ko na ang dalawang bata na tutok sa T.V. Si Mike naman nakaupo sa couch habang si Sunshine ay nakahiga sa dibdib nito. Hayst.

Bumalik ako sa kwarto and did my usual routine. Bumaba na rin kaagad ako para masamahan ang mga bata.

"Good morning Tita Mira!" Sigaw ni Sere.

Tumakbo ito papalapit sa akin at yumakap. Binuhat ko siya at naupo rin sa couch.

"Good morning Ate Sere." Sagot ko rito.

"Did you have breakfast?" Tanong ko kay Mike.

Medyo tanghali na kasi. Alam ko naman na hindi marunong sa kusina si Mike. Ang pinag-aalala ko lang ay ang dalawang bata.

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon