"Ang saya mo yata Hija." Nag-angat ako ng tingin kay Manang.
"Ah wala po 'to." Nginitian ko na lang siya.
I just remembered my friends at iyong mini-reunion namin during Coleen's birthday party. Katulad pa rin sila ng dati. They may changed physically pero ang ugali nila parehong-pareho simula high school kami. We did not feel awkward kahit may katagalan na kaming hindi nagkikita. And it's probably because our friendship's so genuine.
"Oh, mag-juice ka muna." Inilapag ni Manang ang isang baso ng orange juice sa harapan ko.
Nagmamasa ako ngayon ng dough. Balak kong gumawa ng pandesal na may cheese filling sa loob para may merienda kami. It's Sunday today kaya sarado muna ang shop for day off.
"Thanks Manang." Inabot ko ang juice tsaka humigop doon.
"Kailan pala uwi ng asawa mo? Aba't mag-iisang buwan na yata siyang hindi tuloy-tuloy na natutulog dito sa bahay." Naupo si Manang Linda sa harap ko.
Natameme naman ako sa tanong niya. Mag-iisang buwan na pala na ganito ang set-up namin ni Mike. I lost count actually. I intended not to count. Nakakalungkot lang kapag naiisip ko.
I will wake up and my husband's not beside me. I will go home and he's still not around. Minsan tulog na ako kapag dumarating siya. Pagkagising ko naman, wala na rin siya.
We're like a zombie couple. Hindi na nga namin nakikita ang isa't isa. Kung hindi lang ang mukha niya ang lockscreen photo ko, malamang makakalimutan ko na rin ang itsura niya. Tsk. Hindi na rin kami nagkakausap. Bukod sa 'Ah, dumating ka na pala' wala na kaming napag-usapan pa. Even text messages and calls became infrequent.
Isang beses na lang yata kaming magka-text sa loob ng isang linggo. He would just ask me kung nalabahan na ba ni Manang Linda ang mga damit niya. And then magrereply lang din ako.
Sad life.
"Busy siya Manang eh." Tipid na nginitian ko si Manang.
Hindi na rin nagkomento pa ang matanda. Bagkus ay hinayaan niya na lang ako sa ginagawa ko. Mayamaya pa ay isinalang ko na sa oven ang dough. Naghugas ako ng kamay at dumiretso sa sala.
I turned on the television at naghanao ng magandang mapapanuoran.
"Hija!" Nilingon ko si Manang. Nakatayo siya malapit sa front door.
"Po?" Sagot ko.
Iminostra niya ang kamay niya.
"Halika."
Pinuntahan ko naman siya. Laking gulat ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang Mother-in-law ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat.
"Oh you're here. Mabuti naman." Bungad ng Mother-in-law ko.
"Good afternoon po Ma." Bati ko tsaka inabot ang kamay niya para magmano.
Hindi katulad dati, hindi naman niya iniwas ang kamay nang magmano ako. Oh, mukhang good mood yata si Mama.
Sinundan ko lang siya hanggang sa sala. Naupo siya sa couch at ibinaba ang designer bag niya sa coffee table. Nakatayo ako sa harap niya at hinihintay kung ano ang sasabihin niya.
"Magbihis ka, may pupuntahan tayo." Nakaarko ang kilay niya.
"Po?" Sagot ko. I don't think I followed her.
Mama pursed her lips and crossed her arms.
"We have to go somewhere. Magbihis ka na, I'll wait for you." Tugon niya.
"Saan po tayo pupunta? Alam na po ba ni Mike na nandito kayo?" Magalang kong tanong.
"You'll know when we get there. And I don't think I need my son's permission para bisitahin kayo sa bahay niyo." Madiing sagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Let's Break Up
RandomMira and Mike are wedded couple who loves each other. Dalawang taon na silang kasal pero wala pang anak. That is probably the only loophole in their marriage. During the first year of their marriage, it was pure bliss. Iyong punong-puno sila ng pagm...