Kabanata 33

154 4 4
                                    

Hindi alam ni Mira kung saan siya patungo. Basta ang alam lang niya ay gusto niyang makaalis sa lugar na iyon. Matapos ang nangyari sa kaniya, hindi niya na alam ang tama at dapat gawin. Hindi niya alam kung ano ba ang nararamdaman niya.

Naghahalo ang emosyon niya. Nagtatalo ang isip niya.

Mira ran and ran. She ran until she has nowhere to go to. She ran until she ran out of breath, until her feet ached, and until tears blurred her vision. Madilim ang kalangitan ngunit mas madilim ang nararamdaman ni Mira. Hindi niya alam ang nararamdaman. She feels betrayed, she is jealous and she's raging with anger. She feels lonely. Sinabayan pa ng pagbagsak ng malakas na ulan ang pagbagsak ng luha ni Mira. 

Napaupo si Mira sa gilid ng kalsada at pilit na pinapakalma ang sarili. Basa na nga ng ulan, hilam pa ang mata niya sa luha. And she's confused.

Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari. She attended a party with Sandro, but the party is for Mandy's birthday and that Mike is proposing. And then out of nowhere Sandro announced that Mira is the ex-wife and he is the dumped boyfriend.

Mira had no clue, not even a bit, kung bakit ba nagawa iyon ni Sandro. And the Sandro she saw at the party was not the Sandro she knew all along.

Umuwing tulala si Mira. Basa siya sa ulan at hilam sa luha ang mukha niya. She's beat. Pagod na siya, masakit ang paa niya sa kakatakbo. Nilalamig na rin siya dahil naulanan, idagdag pa ang damit niya.

MIRA IS READY to sleep. Handa na siyang ipikit ang mga mata at kalimutan ang nangyari kanina. Handa na si Mira na kalimutan ang nararamdaman. She feels empty, and she just wants that. Ayaw na niyang makaramdam ng kahit ano pa. Ayaw na niyang mag-isip ng kahit ano.

Just as when she was drifting to sleep, ganoon na lamang ang lakas ng kalampag na naririnig niya.

"Mira! Mira!"

Nagmulat kaagad ng mata si Mira nang marinig ang pamilyar na boses na tumatawag sa kaniya. Kumakalampag ang roll up ng shop niya.

Kaagad na napatayo si Mira. Walang segundo ang nasayang sa pagmamadali niya. Binuksan niya ang ang pinto ng shop niya.

Kumakabog man ang dibdib, magkasiklop ang kamay niya. Kasabay ng pagtaas ng roll up ay ang pagbungad ng pamilyar na bulto sa harapan niya.

"Mike..." Her lips trembled. 

Mas dumiin ang magkasiklop niyang palad. Mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib niya.

Mike is soaked. Basang-basa ito ng ulan. Ngunit hindi lamang ito ang umagaw ng atensyon ni Mira. Napansin niya ang malaking pasa nito sa pisngi pati ang labi nitong pumutok at may bahid pa ng dugo. Magulo ang buhok nito, tanggal ang butones ng suot nitong polo. At pagod at galit ang nakikita ni Mira sa mga mata ng lalaki. 

Matamang nakatitig si Mike kay Mira. Kinakabahan ang babae sa binibigay nitong titig.

Maybe...

But Mira immediately shrugged off the thought.

"Anong nangyari..."

Bago pa man matapos ni Mira ang sasabihin ay kaagad na siyang hinila ni Mike. Mahigpit ang pagkakahawak ni Mike sa braso niya. Bumabaon ang daliri nito sa balat niya. Alam niyang mag-iiwan iyon ng marka.

"Mike..." Mahinang usal ni Mira at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa kaniya ni Mike.

Ngunit bago pa man maalis ni Mira ang pagkakahawak ni Mike sa kaniya ay mas lalo pa itong humigpit. Napapaso rin siya sa mga titig nito. 

"Mike..." That came out not as a resistance but a pleading. Nasasaktan na siya.

"Mira... why..." 

Let's Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon